Chapter 28: Queen

1.5K 136 20
                                    

I do not proofread. This chapter is unedited.

Chapter 28

Queen

Roe Blaze POV

I was lost in my thoughts when our teacher entered. Nakatingin lamang ako sa kaniyang pagpasok. It was Master Zandro Alfagoes. He was wearing the same outfit yesterday.

"Hello! Nagkita na naman tayo." Sabi niya habang naglalakad at nagdugtungan pa ng tawa.

"Ako parin pala ang magiging teacher ninyo ngayong week. Ang mga grandmaster kasi ay binigyan ng mission ang bago ninyong teacher at ang sabi niya ay matatapos niya ang kaniyang mission sa isang linggo lamang." Dagdag niya. Hindi siya nakatingin sa amin kasi inaayos niya ang dalang gamit na nilagay niya sa kaniyang lamesa.

"Ehem." Tumikhim si Master Zandro Alfagoes para kunin ang atensyon ng lahat. "Kilala naman na'tin ang isa't-isa kaya magsisimula na tayo sa klase na'tin ngayon." He said. Nilibot na ngayon ang paningin sa mga students.

"Your morning subject today is Magic and Physical Technique. Ang ituturo ko lamang sa inyo ngayong araw ay ang tamang paraan at kung paano gumamit ng mahika." Saad niya. Nagpatuloy naman ang klase namin at pinapaliwanag niya sa amin ang klase.

Hindi ko na muling tinignan pa si Red sa aking tabi. Dahil magulo ang aking isip ay hindi ko na pinapansin ang paligid at pilit na nag focus sa klase. Kahit na naririnig ko ang halinghing ng tao sa likuran ko, hindi ko iyon pinansin kahit na parang umuungol na siya. It was Ichigo, siya lang naman ang tao sa aking likuran.

"Your new teacher is a master in Physical Technique kaya habang wala pa siya ay Magical Techniques lang muna ang aking ituturo ngayon." Sabi ni Master Zandro Alfagoes.

He was pertaining to Alexander, I guess. Sa ilang taong pagsasama namin ni Alexander, alam ko kung gaano siya kagaling sa pakikipaglaban. Siya rin ang nagturo sa akin kung paano humawak ng mga sandata at gamitin ito sa pakikipaglaban.

"Let's start with the basic. Alam kong natutunan niyo na ito sa bahay ninyo pero ituturo ko ulit sa inyo ito." Sabi ni Master Zandro Alfagoes.

"The basic of magic starts with your Wizh. There's two types of Wizh. Your inner Wizh and outer or natural Wizh. Inner Wizh is the magic inside your body, it is the magic you inherit from your family. Outer or natural Wizh is the magic from the environment, it is the magic from your surroundings." Saad ni Master Zandro Alfagoes. Nakaharap siya sa aming students habang ang kanang kamay ay may hawak na magic wand, iyon ang ginagamit niya para magsulat sa board.

There's no chalk here. Ang karamihan sa ginagamit ng mga teachers dito ay kanilang magic. Master Zandro is using his magic wand to write on the board. I have learned that the board in our front is a magic wall which can be used by the teacher to teach, in any ways that they want. Kagaya kahapon, ang ginamit pala ni Sire Mathilde ay ang kaniyang sariling kapangyarihan, ang Visionary Magic niya na kayang makapaglabas ng images sa kaniyang utak at imagination.

"How can we control our Wizh and produce magic?" Tanong ni Master Zandro Alfagoes. Bagamat alam ng karamihan ay walang ni isang nagsalita.

"We can produce magics and control our inner and natural Wizh in two ways. The first ways is incantation, the second way is imagination."

"Here's an example, look carefully." Sabi ni Master Zandro Alfagoes at pumunta sa gitnang bahagi ng hall, sa harapan ng kaniyang lamesa.

Mayroong lumabas na libro sa kaniyang harapan, nakalipad iyon at ang libro ay napapalibot ng kulay green. Agad bumukas ang libro at huminto sa isang pahina. Tinaas ni Master Alfagoes ang kaniyang kamay sa hangin.

Wizardry Reincarnation (Boyslove Fantasy)Where stories live. Discover now