Chapter 35: First Examination (Part Five)

1.6K 140 17
                                    

I do not proofread. This chapter is unedited.

Chapter 35

First Examination (Part Five)

Roe Blaze POV

"Anong nangyari?!" Gulat na gulat na tanong ni Red sa aking harapan.

Narito kami ngayon sa gilid, kung saan kami galing kanina nong pumasok kami sa entrance ng gubat.

Nakalabas na kami, at kami ang nauna sa lahat ng grupo. Kaya labis-labis ang pagtataka ni Red ng makitang tapos na kami. Pati rin si Yami ngunit hindi ito nag-iingay sa tabi.

"Ang bilis naman na'ting natapos! Hindi ko nga matandaan na pumasok sa gubat! Hindi ko rin maalala na nakuha na'tin ang bulaklak!" Dikit na dikit ang kilay na sabi ni Red.

"Why did you hypnotize them?" Medyo galit na sabi ko sa aking isipan.

Kanina pa kami nagpalit ni Agila. Maayos na ang kalagayan ng isa sa kambal kaya naiwan ko na ito at nakabalik agad. Natutulog na ito kasama ang kaniyang kambal ng iwan ko sila.

Nilalagnat lang pala si Daniel. Damiel is fine pero si Daniel lang talaga ang malala ang init. Hindi iyon normal na init lang kaya hindi nakayang gamutin ni Agila. Ganoon naman palagi, kapag hindi sugat ang sakit ng kambal, ako ang gumagamot sa kanila dahil ako lang ang mayroong kakayahang gamutin sila.

After all, they are special.

"May natatandaan ka ba sa nangyari?!" Baling ni Red sa akin nang tanungin niya si Yami ng parehong tanong pero wala rin itong maisagot.

"Wala rin akong matandaan," Pagsisinungaling ko. "Baka ito ang effect ng bulaklak?" Suhestiyon ko naman.

"Marahil," Saad ni Red at tumalikod sa akin, hinarap niya ngayon ang mga tv upang tignan ang ganap sa loob ng gubat.

"Natatandaan ko nga na mayroong epekto ang bulaklak," Si Yami naman ngayon ang nagsalita. Mas lalo niyong pinagtibay ang aking suhestiyon kaya hindi na muling nagsalita si Red.

Napatingin na rin ako sa mga magic tv upang hindi nila paghalataan. Doon ko nakita ang gulong nagaganap sa loob ng gubat.

Umaga na ngayon sa loob ng gubat. Nakikita ko na ang ibang grupo na naglalaban-laban. Marami ang nagtatago sa kanila at naghihintay na dumilim ulit.

Sa labas naman ng gubat ay madilim na. Hindi ko alam kung anong oras pero ang karamihan sa nanonood kanina sa labas ay nagsi-uwi na, sa tingin ko'y inaantok.

"Dalawang beses lamang magdidilim sa loob ng gubat. Ibigsabihin, dalawang grupo lamang ang makakakuha ng bulaklak," Narinig kong sabi ni Master Zandro Alfagoes.

"Ang dalawang grupong iyon ang maglalaban para sa huling stage ng exam," Dagdag nito.

"After all, this is a race. Only the strong can move forward." Saad ni Sire Mathilde sa kaniyang tabi. Mayroong pang ibang mga masters doon at nanonood sa nangyayari sa gubat pero hindi ko kilala ang ibang naroon.

"I can't believe you didn't set traps there?! It will be more fun if you have set traps." Tinignan ko ang nagsalita sa mga guro.

Isa itong batang lalaki, mahaba ang buhok at nakasakay sa isang kapa. Sa tingin ko'y matanda na ito ngunit bata lamang ang kaniyang mukha.

"Tignan mo, ang bilis natapos noong naunang grupo." Dagdag nito.

"You know, I can't set traps inside the Forsaken Forest right? Let the guardians do their job." Sagot ni Master Zandro Alfagoes dito. Nakatingin lamang sa magic tv at hindi nilingon ang kausap.

Wizardry Reincarnation (Boyslove Fantasy)Where stories live. Discover now