Chapter 40: The Grand Rebels

1.3K 103 30
                                    

I do not proofread. This chapter is unedited.

Chapter 40: The Grand Rebels

Asahi Nuzumaki P.O.V

A few days ago...

I was walking in the darkest road of "Ground Zero". Ground Zero is the place for the people of Grandeur who are poor, especially the commoners and beggars. Karamihan sa mga tao dito ay lugmok sa hirap at utang. Talamak ang krimen at sunod-sunod ang patayan dahil narin sa kawalan ng suporta galing sa Wizard Government ng Grandeur Kingdom at sa mismong Wizard King. It is the smallest part of Grandeur city kaya hindi iyon sikat at kita ng ibang taong pumupunta sa city.

It's similar to Tondo in Manila, but much more urbanized with these tall abandoned building.

Nakapasok ang aking magkabilang kamay sa butas ng aking pantalon. Astig na naglalakad patungo sa aming lungga kahit na hindi naman talaga tigasin. I'm faking it. I will be in trouble if I won't.

Dumating ako sa aming lungga. Naroon na ang karamihan sa amin. Ang aming lungga ay abandonado at sirang building sa pinaka-centro ng Ground Zero. Nakakalat ang mga sementong wasak at sirang mga upuan sa paligid kaya doon nakaupo ang aking mga kasamahan sa organisasyong ito.

"Bakit ngayon ka lang?" Si Phinx. Isa siyang Wizzean galing sa Infernia. He was from another branch but still part of our organization.

"Anong pake mo?" Sagot ko sa kaniya. Mayabang na nakatingin sa kaniyang mga mata.

"Aba. Ang tapang mo na ah." Saad niya at tumayo siya sa kaniyang kinauupuan. Naglakad siya patungo sa akin habang hawak-hawak niya ang kaniyang paboritong armas. Isa iyong manipis at mahabang espada. Kunti na lamang at magiging isang karayom na iyon dahil sa nipis at tulis. Pero kung tutuosin ay karayom nga iyon dahil isa siyang witch craft Wizard.

"Enough." Dumagundong ang boses ng aming leader bago pa tumama ang espada ni Phinx sa aking mukha. Handa na sana akong labanan siya kung hindi lang dumating ang aming leader.

"Is everyone here?" Ang kanang kamay ng aming leader ang nagsalita. Nakatayo siya sa kanang bahagi ng aming leader. Sa kaliwang bahagi naman ng aming leader ay ang kaliwang kamay niyon, magkakambal ang dalawang iyon na parehong nakasuot ng maskara.

Walang sumagot kaya nilibot na lamang niya ang kaniyang paningin sa amin. Nakatayo sila ngayon sa gitnang parte ng aming lungga, kung saan sila sumulpot.

"The day is near. Prepare yourself and your armies. We've gathered enough men and now is the time for us to take over this land." Our leader said, tinaas niya ang kaniyang kanang kamay upang ipakita ang kaniyang tattoo. Ang palatandaan ng aming grupo iyon. Agad ko namang tinaas ang akin sa kaliwang kamay ko. Ang iba namang ipinakita ang kanilang mga tattoo sa iba't-ibang katawan nila.

Our tattoo is an unalome, the only difference is the one on the top. Ang aming leader ay dragon ang sa taas para sa pinakamataas na ranggo, ang leader naman ng bawat grupo ay phoenix, ang akin naman ay ahas, para sa mababang ranggo. Sa myembro naman namin ay lutos, ang pinakamababang simbolo sa aming grupo.

"All hail, Grand Rebels!" Everyone said. Our leader then vanished in the air after that.

We are the Grand Rebels. We are planning to start a rebellion in the kingdom of Grandeur. All of the oppressed and many more is part of our organization. But most of the members are abandoned members of their own family and nation.

Ang karamihan sa amin ay mga mahihina ang mahika at hindi pinapayagang mamuhay ng payapa sa kani-kanilang mga kaharian. Galing kami sa iba't-ibang tribo at lahi sa buong Wizardia.

Wizardry Reincarnation (Boyslove Fantasy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon