Chapter 18: Dragon

1.8K 121 2
                                    

I do not proofread. This chapter is unedited.

Chapter 18

Dragon

Roe Blaze POV

"Mabuti nalang at hindi ko sinabi sa mahal na Hari na nawala kayo!" Galit na sabi ni Alexander. Kanina niya pa kami pinapangaralan simula ng mahanap niya kami. Naglalakad na kami ngayon palabas ng gubat, patuloy parin ang pagsasalita ni Alexander. Hindi ako kumibo, sumunod na lamang sa kaniyang paglalakad. Si Damien naman ay sinusundot ang aking likod ngunit hindi ko siya pinansin.

Galit pa ako sa pamemeke niyang ginawa kanina. Sobra akong natakot tapos hindi naman pala totoo?!

"Paano kung may nangyari sa inyo doon? Kung may nakapasok lang na bandido doon o 'di kaya'y Elementalist Wizters ay baka napahamak kayo!" Si Alexander. Patuloy parin ang kaniyang galit na mga sinasabi sa amin. "Sana manlang nagpaalam kayo sa akin na pupunta kayo sa talon para hindi na ako nag-alala at nasamahan ko kayo."

"Pasensya na..." Saad ko. Mahina na lamang ang boses ko ng sinabi iyon. Medyo piyok pa dahil sa pag-iyak at pagsigaw kanina ng akala ko'y nalunod si Damien. "Huwag niyo po sanang sabihin sa aking Inay ito." Mabait kunwaring saad ko.

Nilingon ako ni Alexander, kunot ang kaniyang noo at alam kong galit parin siya sa uri ng kaniyang tingin.

Nakarating kami sa harapan ng palasyo makalipas ang ilang minuto naming paglalakad. Nagulat ako ng sumalubong sa amin ang Reyna, ang aking nanay ng dumating kami.

"Bakit basa kayong dalawa?" Nagtatakang tanong niya sa amin. Nakatingin siya sa akin at nilagpasan ng tingin panandalian si Damien sa aking likod.

"Naligo po sila sa tanong. Masyado silang nadumihan sa ginawa naming pag e-ensayo. Sinamahan ko lang sila at nagbantay sa paligid." Si Alexander ang nagsalita habang nakayukong nakaharap sa Reyna. Tinignan ko siya at nagulat sa ginawa niyang pagtakip sa aming ginawang kasalanan.

"Pumasok na kayo kung ganon. Magkakasakit kayo niyan dahil sa lamig!" Nag-aalalang sabi ng Reyna. Nagtawag siya ng mga lingkod habang pumapasok kami sa palasyo. Pumasok kami habang si Alexander ay nagpa-iwan sa labas.

"At oo nga pala Damien, may mensaheng galing sa iyong Nanay. Bukas ay dadating ang iyong sundo upang makauwi na." Saad ng Reyna. Hindi ako kumportableng tawagin siyang Nanay kaya minsanan ko lang siyang tinatawag na ganon. Hindi ko pinansin o nilingon si Damien at sumama nalang sa mga lingkod patungo sa aking kwarto.

Agad nila akong inayusan, pinaligo muna ulit bago pinagsuot nang bagong damit. Nanatili ako sa aking kwarto, nahiga sa kama at sinubukang matulog ngunit hindi ako makatulog.

Naisip ko na naman ang ginawang kalokohan ni Damien at kung gaano ako natakot at nag-alala. Hanggang ngayon ay hindi maalis ang aking kaba. Hindi pa rin iyon mawala kahit na alam kong kalokohan lang iyon.

May kumatok sa pinto ng aking kwarto. Naaamoy ko ang kaniyang pheromones kaya kilala ko na agad kung sino iyon. Gamit ang aking mahika ay binuksan ko ang pinto. Rinig ko naman ang kaniyang pagpasok.

"Roe... Patawarin muna ako, nagsisisi na ako..." Nakikiusap ang boses na ani ni Damien. Nasa tabi ko na siya ngayon, nakatayo at naharap sa akin habang nakahiga naman ako sa aking kama.

Hindi ako nagsalita kaya nagsalita siyang muli makalipas ang ilang sandali. "H-hindi ko na uulitin, pangako." Nanginginig na ang boses niya, tanda na malapit na siyang umiyak.

Pinagpag ko ang aking kama, sa kanang bahagi ng aking katawan kung saan may espasyo. Umakyat naman siya doon at nahiga sa aking tabi.

"Hindi mo na uulitin?" Tanong ko sa kaniya. Nakatingin na ngayon sa kaniyang mukha. Magkaharap na kami ngayong nakahiga sa aking kama.

Wizardry Reincarnation (Boyslove Fantasy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon