Chapter 20: Fight

1.6K 123 7
                                    

I do not proofread. This chapter is unedited.

I'm kind of distracted about something right now, I'm sorry if there's too many mistakes here.

Chapter 20

Fight

Roe Blaze POV

Fifteen years old, Roe.

Naghahanda na kami patungo sa kaharian ng Wisteria. Doon kasi gaganapin ang paligsahan aking sasalihan. Ngayon na ang araw na iyon, ngayon ay sampong taong gulang na ako. Nang matapos ang paghahanda ay agad na kaming lumayag.

Kasama ko ang aking magulang na nakasakay sa kalesa, dragon ang humihila dito ay may anong mahika ang nakalagay sa ilalim ng kalesa upang makalipad ito. Para tuloy kaming nakasakay sa sasakyan ni Santa Claus.

Dumaan kami sa taas ng mga kabahayan sa kaharian ng Airethale. Nang malapit na kami sa boundary ng kaharian ay mayroong portal na lumabas sa himpapawid. Iba ito sa portal na ginagamit ng mga tao sa Airethale, ito ay portal na ginagamit ng mga Royal Family kung aalis sila sa kaharian.

Napapikit ang aking mata ng maramdaman ang lakas ng hangin na humihigop sa amin patungo sa portal.

Sa pagbukas ng aking mata ay lumantad ang malaking shell sa gitna ng malawak na karagatan. Isa itong shell na malaki at nakabukas ito. Sa loob ng shell ay ang kaharian ng Wisteria.

Nasa ibabaw ito ngayon ng tubig, tanda na bukas ang kaharian sa sino mang papasok dito. Ang nabasa ko kasi sa libro ay ang kaharian ng Wisteria ay nasa ilalim ng tubig. Saka lamang ito lumulutang sa karagatan kapag mayroong selebrasyon o kaganapan, kagaya ngayon.

Hindi ko maiwasang mamangha sa aking nakikita. Sa labas ng kaharian, sa karagatan ay marami akong nakikitang iba't-ibang uri ng Wizters, kagaya ng Mermaids at Dolphins. Nanatili ang aking tingin sa mga mermaids na naglalaro sa karagatan kasama ang iba't-ibang uri ng mga isda. Naalis lamg iyon doon ng makalapit kami ng tuluyan sa kaharian.

Ibang-iba ito sa uri ng aming kaharian. Ang estilo ng kanilang mga bahay ay para bang coral reefs ngunit malalaki ito. Ang ganda ng kanilang mga kabahayan at iba-iba ang kulay niyon.

Naalis ang aking tingin ng tuluyang bumaba ang aming sinasakyan sa lupa. Nasa harapan kami ngayon ng isang arena kagaya ng nasa Rome sa dati kong mundo. Agad kaming pumasok doon. Ang unang stage kasi ng tournament na ito ay ang pagcheck ng kapangyarihan ng mga batang nakilahok, sa parteng iyon ay sampo lamang ang kanilang pipiliin.

Naghintay kami ng ilang minuto hanggang sa nagsimula na nga ang paligsahan. Umalis ako sa tabi ng aking mga magulang ng pinapapunta na lahat ng mga nakilahok sa baba ng arena.

"Ang unang parte ng paligsahan ay ang Wiz Power Checking, ang sampong batang may pinakamataas na kapangyarihang taglay ay makakapasok sa labanan nang mga sampong taong gulang na Wizzean." Saad ng isang lalaki ngunit hindi ko siya nakikita.

"Ilagay lamang ninyo ang inyong palad sa bolang crystal sa gitna ng arena. Makikita sa taas niyon ang taglay mong lakas, ipapalabas naman iyon sa billboard na nasa taas ng arena at kung anong rank mo sa lahat ng mga nakilahok sa paligsahang ito." Saad muli ng lalaki.

Agad namang nagsimula ang mga kasama kong bata. Natapos iyon agad at ang aking pangalan ay nasa pang siyam sa lahat ng mga kalahok. Masigabong palakpakan ang ginawa ng mga taong naroon upang manood ng makompleto ang sampo.

Wizardry Reincarnation (Boyslove Fantasy)Where stories live. Discover now