Chapter 5: Pheromones

2.5K 167 3
                                    

Chapter 5

Pheromones

Roe Blaze POV

Hindi ko inakalang ako ang mangunguna sa pangalawang stage ng entrance exam. It is beyond my expectations. Gusto ko na nga lang na huwag ng makapasok sa susunod na stage. Kung alam ko lang na ang bubuyog na iyon ay level 5 pala, hindi ko na sana siya pinatay!

"All these 50 Wizzeans will stay in one of the dormitories in the Grandeur Academy. To all the family of these outstanding Wizzean, please don't be bothered because we will take of care of your sons." Ani ng announcer. Nagpatuloy ito sa kaniyang pinagsasabi.

"Tommorow will be the last day of our entrance exam. Tonight, in the dormitory. The third stage of the entrance exam will happen." Sabi nito na naging dahilan upang umangal ang mga taong nanonood.

"Listen, it's not big deal and the third stage is no fun. We would like to observe them closely tonight." Sabi nito at pinaalis na ang mga tao.

Natira kaming 50 Wizzeans sa field. Umalis na rin ang mga hari at ang wizard king, pati ang mga dating champions maliban sa kaniya. He is standing beside the announcer.  Pinanatili kong nakayuko ang aking ulo at suot suot parin ang hood ng aking cloak.

"Follow Damien as he will guide all of you to the Paradis Dormitory." Sabi ng Announcer at bigla itong naglaho. Ang kaniyang ginamit na mahika ay teleportation, it's a common magic, in the royal family at least. Ang mga mababang antas ng Wizzean ay nahihirapang gumamit ng ganong kapangyarihan. Pili lamang ang mga marunong nito sa mga Wizoletariat bloodline, karamihan ay pinagaaralang maigi ang teleportation magic at nag ensayo ng maigi bago ma-perpekto.

Here in Wizardia, the Wizzean is classified into three strata:

Royal Bloodline - Sila ang mga taong pinanganak na may dugo ng dalawang Royalty. Royalties ang tawag sa mga Wizzean na iyon. The blood that runs in them is pure royal. They have strong pheromones and magical power.

Elite Bloodline - Sila ang mga taong pinanganak na hindi pareho ang dugo ng magulang. Maaring ang tatay ay royal, at ang nanay naman ay hindi. And vice-versa. Nakadepende iyon kung tatanggapin ng Royal Family na pinanggalingan ng isang Royalty. Maari kasing hindi tanggapin kaya maitatapon at itatakwil sila at mapupunta sa Wizoletariat Bloodline. They are called Elites. Ang kanilang mga pheromones at magical power ay 50/50, maaring mahina o malakas.

Wizoletariat Bloodline - Sila ang mga common Wizzean sa mundong ito. They do not possess royal blood pero maaring ang isang Royalty or Elite ay maging Wizoletariat kapag sila ay tinakwil ng kani-kanilang pamilya. They are not that different in Royal and Elite Bloodline. Mayroong mga Wizoletariat na malakas ang mahika at kanilang mga pheromones pero sila parin ay tinatawag at napapabilang sa Wizoletariat bloodline.

I don't get why they need to have that kind of mindset. Wala itong pinagkaiba sa dati kong mundo. Equality movement here is not famous either. I think, Wizoletariat Bloodline think that they are fine as long as they are living.

Ang magical power ay walang limitations sa Wizardia, ang nakakapagpigil lang ay kung ano ang label na nilalagay sa ibang mga Wizzeans. If Royal Bloodline doesn't exist, walang magaganap na kahirapan sa mundong ito at pagmamaltrato sa mahihirap. Everything should be fair.

Ang mga Wizoletariat ay ang karamihan sa mga kawal at servants ng isang kaharian. Ang ibang Wizoletariat ay nagpapatakbo ng kanilang mga businesses.

Wala itong pinagkaiba sa dati kong mundo, maliban nalang sa mga mahika at pheromones na mayroon dito.

Naglakad kami kasunod ni Damien. I could feel his presence and it feels like he's eating me. Ang ibang mga kasamahan ko ay hindi makapaglakad dahil sa mga injuries na kanilang natamo kanina kaya nakasakay sila ngayon sa isang upuan na mukhang wheelchair at tinutulak ng mga lalaking may kulay puting mask at may emblem ng Academy na nakatakip sa kanilang mga mukha.

Wizardry Reincarnation (Boyslove Fantasy)Where stories live. Discover now