Prologue

4.5K 181 28
                                    

Hinigpitan ko ang kapit sa strap ng bag ko habang naglalakad ako papunta sa bagong classroom na papasukan ko.

Section Knight...

Umakyat ako sa 3rd floor, ayokong magreklamo pero bakit kasi sa 3rd floor pa? Okay sana kung may elevator sila dito, tutal naman mayaman ang school nila. Kay bago bago ko dito nagrereklamo na agad ako.

Hinanap ko ang room ko at buti nalang nahanap ko ka-agad. Ang ingay sa loob! Wala bang teacher? Magsisimula na ang klase ah.

Inaayos ko ang sarili ko bago kumatok at agad naman bumukas ang pinto. Bumungad sakin ang gwapong nilalang. Beh ang gwapo, literal na gwapo oh.

Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa, siguro nasa 30's na siya pero ang gwapo pa rin.

"You're here! Come in." Nakangiting sabi niya at niluwagan ang pag bukas ng pinto.

Tumango ako at pumasok sa loob at napatigil sa nakita ko. Makalat, Maingay, Madumi may naiwan pa ngang alikabok! Ilang taon na ba silang hindi naglilinis?

"Attention!" Sir Pogi shouted. Saan ko naman napulot yung 'Sir Pogi' na 'yan? Kase nga pogi siya. Natahimik naman ang bago kong kaklase at napatingin sa akin.

Kanina pa ako nagtataka pagkapasok ko dito. Bakit? Bakit ako lang ang nag iisang babae dito?

Nag cr ba silang lahat?

"Bakit may babae dito?"

"Hoy alis na!"

"Bawal ka dito!"

"Kagaya ka rin niya!"

"Gold digger."

"Bawal babae dito!"

"Alis kana miss."

"Hindi ka tanggap dito."

Ano bang problema nila? Mga gago 'to ah. Tinaasan ko sila ng kilay. "Wala akong pake."

"Ang yabang mo ah." Napatingin naman ako sa lalaking nagsalita.

Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. "Ang pangit mo." Syempre joke lang 'yon, actually ang gwapo nilang lahat.

Rinig ko naman ang tawanan ng mga hunghang. His eyes widened because of what I said. Hindi siya makapaniwalang tumingin sakin. "A-Anong sabi mo?!"

"Ang sabi ko, ang pangit mo. Maglinis ka nga ng tenga mo nagiging bingi ka na." I said sarcastically.

"Alam mo bang ikaw lang ang nagsabi na pangit ako?" Matalim ang tingin niya sakin. As if naman na natatakot ako sayo.

"Hindi ko alam at hindi ko tinatanong. Anong magagawa mo kung pangit ka sa paningin ko?" Bored ko siyang tiningnan at rinig ko ang tawanan ulit nila kaya tiningnan sila ng masama ng lalaki, at binalingan ako ng tingin.

"Malabo ba mata mo?"

"Hindi, kaya nga sinabi kong pangit ka sa paningin ko dahil hindi malabo ang mata ko."

Aktong magsasalita siya ng nagsalita na si Sir. "Enough." Binalingan ako ng tingin ni Sir. "What's your name?"

"Faye Katherine Allister." Simpleng sagot ko.

"I'm Sir Logan Cortez. Section Knight Adviser." Nakangiting tumango ako. "You can take your sit now."

Nilibot ko ang tingin ko at naghanap ng mauupuan pero ang mga hunghang nilagay ang bag nila sa mga vacant sit at yung iba naman pinatungan ng paa.

Battle of the Past (Seule Fille Series #1) Where stories live. Discover now