Chapter 13

2.1K 131 65
                                    

FAYE

"Hoy laro tayo!" Sigaw ni Ryuu na nakatayo sa gitna.

Tumango tango naman si Ethan at tumayo din sa gitna katabi si Ryuu.

Nandito kami sa room at walang klase dahil may meeting ang mga teacher para sa darating na singing contest. Tiningnan ko ang mga hunghang na ginigilid ang ibang upuan para makaupo sa sahig.

Pagkatapos nilang igilid ang mga ibang upuan ay nagsi-upo sila sa sahig. Nakita ko rin si Kairus na nakaupo sa sahig at salubong ang kilay, at feeling ko labag sa loob niyang sumali sa laro. Napatingin ako sa katabi niyang si Chase, ang gwapo talaga.

Teka nga, ano bang lalaruin?

Tumingin silang lahat sakin kaya nagtataka ko silang tiningnan. "Bakit?" Tanong ko.

"Umupo kana rito." Sabi ni Ethan at tinapik ang gitna nilang dalawa ni Ryuu kung saan may space.

Tumayo ako at pumunta sa gitna nila para umupo. Nakapabilog kaming lahat, napatingin ako sa hawak ni Sebastian na bote.

"Sebastian, bakit ka may hawak na bote?" Takang tanong ko kay Sebastian.

Napatingin naman siya sakin at sa hawak niyang bote, "Maglalaro."

"Ano bang lalaruin natin?" Tanong ko at tumingin kay Ryuu.

Pakiramdam ko na out of place naman ako dito, alam nilang lahat yung lalaruin tapos ako hindi. Diablo yata ako e.

Magandang diablo, charot.

"Truth or Dare." Nakangiting tugon ni Ryuu.

Napangiwi ako at bahagyang tumango kahit labag sa loob ko. Gago kinakabahan ako, ayoko talaga ng truth or dare at kung naglalaro man kami niyan puro truth lang ako dahil takot ako mag dare, baka kung ano pa ipagawa sa akin e.

Kinuha ni Ryuu ang bote kay Sebastian at nilapag ni Ryuu ang bote sa gitna at sinimulang paikutin 'yon.

Napakagat ako sa labi ko dahil sa kaba, putangina 'wag ako. Napatingin ako sa bote na unting unti ng humihina ang pag ikot at ngayon naga-abang nalang kami kung saan 'yon hihinto.

At 'yon na nga putangina sakin huminto kaya napatingin silang lahat sa'kin.

Napakurap ako at palihim na napalunok.

"Ako! Ako! Ako magtatanong ahihihi," Sabi ni Ethan habang tumataas baba ang kilay niya. "Truth or Dare?"

Tiningnan ko siya nang matagal bago sumagot. "Truth."

Kakasabi ko lang kani na sana 'wag ako tapos sakin lang din pala hihinto. At hindi maganda kutob ko sa itatanong ni Ethan sakin.

Hindi naman sa wala akong tiwala sa kaniya pero parang gano'n na nga.

Sana naman madali at matino ang itatanong niya.

"Faye, talaga bang naging crush mo si Chase Matthew?" Tanong niya at humagikgik.

Narinig ko naman ang tawanan ng mga hunghang at yung iba naman sumisipol pa.

Napatingin ako kay Chase na nakatingin sakin, tumingin naman ako sa katabi niyang hanggang ngayon ay salubong pa rin ang kilay pero nakatingin din sakin si Kairus.

"O-Oo." I stammered.

Another kahihiyan, paano ko pa kakausapin si Chase n'yan? Kailangan kong umiwas! Kahihiyan 'to para sakin dahil sa dinami dami ng mga naging crush ko, ngayon lang ako umamin tapos narinig pa nung iba huhu.

Narinig ko ang hiyawan ng mga hunghang. Mga gago!

"Wews!"

"Kinikilig ako mga saranggago!"

Battle of the Past (Seule Fille Series #1) Where stories live. Discover now