Chapter 55

1.1K 50 10
                                    

FAYE

"The scion of the Allister family, Faye Katherine Allister, better known as Katherine and Erin Allister, finally showed her face. She's beautiful, isn't she?"

Napapikit ako at napabuntong hininga bago patayin ang TV sa kwarto ko. I knew the news would spread like wildfire. I took my cell phone and turned on the wifi. I winced because of the noise coming from my cell phone because of the number of notifications I was receiving from Twitter, Instagram, and Facebook one after the other.

Just yesterday, I decided to activate my real accounts. Tiningnan ko ang facebook ko at katulad ng inaasahan ko, sabog ang notification ko. Sunod sunod pa rin ang pagtunog ng cellphone ko dahil sa mga notification.

I scrolled through Facebook until I saw Dianne and my video, which I knew had gone viral.

After Grant told Dianne that I was a Friedrich, we left immediately, leaving Dianne in disbelief and dumbfounded.

I hit the comment button. I read other people's comments.

Elsia Batumbakal
Maganda naman pala siya kaya bakit niya tinatago yung mukha niya?

Alberta Maganda
sobrang ganda niya pala huhu

Maggie Roger
She's pretty ngl huhu. I wonder why she hid that beautiful face?!?!?!

Kenny Rodrigo
tanginang mukha 'yan, ang ganda

Alex
Mga Allister nga naman. Allister moments hays

Alex
bakit sobrang ganda mo hahahah pero bakit kayo nagaaway ni miss dianne

Rylaine Espinoza
sobrang ganda mo pero bakit tinago???

Kyle Miguel
Allister Indeed!

Marami pa akong nakitang comment pero karamihan doon ay mga nagtatanong kung bakit ko raw tinago ang mukha ko, may iba rin na nagsasabi na sobrang ganda ko raw habang ang iba naman ay nagtatanong kung bakit kami nagaaway ni Dianne at karamihan din doon ay mga hate comments kay Dianne.

Miona Adriano
masama pala talaga ugali niya 🤮

Jennifer Maye
Akala ko joke lang yung kasamaan ng ugali niya hahaha totoo pala talaga

Cedrick Mariano
Masama pala ugali niya haha crush ko pa naman siya guys:((

Marianna Florida
🤢🤮🤢🤮

Maya Agustin
she doesn't fit in sapphire university lol

Nakita ko rin ang ibang tao na minemention ang account ni Dianne. Napabuntong hininga nalang ako at pinatay nalang ulit ang cellphone bago ilagay sa table na malapit sa kama ko.

Humiga nalang ulit ako. Iniisip ko kung papasok pa ba ako o sa susunod nalang. Alam na nila kung sino ako, nakita na nila ang mukha ko.

Napatingin ako sa pinto nang biglang bumukas at pumasok si Grant. Agad naman siyang tumakbo papalapit sa akin at lumundag sa kama ko kaya napanguso ako.

Tumabi siya sa akin at humiga rin katulad ko.

"Hindi ka papasok?" tanong niya.

Tumitig ako sa kisame ng kwarto ko. "Hindi ko alam.."

Natawa siya sa sagot ko. "Ayaw mo silang makita?"

Napatingin ako sa kaniya nang itanong niya iyon pero nakatingin lang siya sa kisame habang nakangiti.

Battle of the Past (Seule Fille Series #1) Onde as histórias ganham vida. Descobre agora