Chapter 45

1.2K 68 24
                                    

FAYE

Palihim na tumawa ang iba dahil sa sinabi ni Dwayne. Inirapan sila ni Kairus bago ito tumingin sa akin, napatagal pa ang pagtitig niya sa akin bago umiwas.

"Trace?" Tawag ni Yvo sa kaniya. "Ikaw na."

"Wala akong problema," ngumiti siya sa amin. "Maayos ako. Maayos ako dahil maayos kayo."

"Wala ka talagang problema?" Tanong ko pa.

"Wala talaga," natawa siya.

Napatango ako dahil na rin sa kumbinsido ako sa sagot niya. Halata naman talagang wala siyang problema, e.

"E, ikaw?" Nginuso ko si Kaulev na tahimik lang.

Tumingin siya sa akin at umiling.

"Wala rin."

"May tanong nalang ako sayo," sabi ni Kleon at ngumisi.

"Ano?"

"May gusto ka ba kay Faye?" Tumingin siya sa akin para makita ang reaksyon ko pero tinasaan ko lang siya nang kilay.

"Problema rin ba 'yan?" Nagtatakang tanong ni Ryuu.

"Ay, si tanga talaga." Natatawang ani Zyrus.

"Si gago oh, putcha." Napailing si Dwayne.

"Basta ako, ayoko pang mamatay ha," sabi naman ni Yvo.

"Mahal ko pa buhay ko," nagkibit-balikat si Kiel. "Ikaw, Kleon? Mahal mo pa buhay mo?"

"What?" Natawa si Kaulev. "Baliw ka ba?"

"Hindi mo ba gusto si Faye?" Tanong naman ni Kio.

"Hindi ko siya gusto," tumawa siya ulit. "Who said that?"

"Eh? Diba sabi mo—" Agad pinutol ni Kaulev ang sasabihin ni  Zyrus.

"Na ano? Mahal ko siya? Crush? Gusto?" Tumawa siya. "Of course not!"

"In denial ka rin ba?" tanong ni Zyrus, nakangiwi.

Umiling siya. "I'm not, Zyrus."

"Pero nung nagtanong ako sayo nung nag truth or dare tayo, umamin ka!" Nakangusong sabi ni Ryuu.

"I said yes but I didn't think you would take my answer seriously." Napakamot siya sa ulo. "I'm just kidding."

"And I just want to tease him," dugtong niya. Tumingin pa siya kay Kairus at bahagyang ngumisi na lalo namang kinasama ng timpla nitong isa.

"Ay, akala ko naman..." mahinang sabi ni Ryuu.

"Manok pa naman kitang hayop ka." Napaismid si Yvo.

"Wala akong balak na makisali sa kanila," ngumisi si Kaulev.

"1 down, 4 more to go." Humalakhak si Kleon.

"Sino pa ba? Ah, si Kairus at Chase!" biglang sabi ni Ryuu. "May problema kayo?"

"I have no problems," sagot ni Kairus na ngayon ay pinaglalaruan naman ang buhok ko.

Battle of the Past (Seule Fille Series #1) حيث تعيش القصص. اكتشف الآن