Chapter 41

1.4K 87 18
                                    

FAYE

Narito kami sa clinic at kakatapos gamutin ang mga gasgas na nakuha namin. Kung ako lang ang masusunod, hindi na ako pupunta rito.

Gasgas lang naman ito, malayo sa bituka.

Mas malala pa nga ang mga naranasan ko noon kung ikukumpra ko sa gasgas na mayroon ako ngayon.

"Gusto mong kumain?"

Napaangat ang tingin ko. Si Trace na nakatingin sakin, hindi—dahil lahat sila ay nakatingin sa akin.

"Ah," umiling ako. "Busog pa ako."

Sa totoo lang, nagugutom ako pero paano ako makakakain nang maayos kung yung kaibigan ko ay hindi makita?

Hindi namin alam kung nasaan si Eris.

Wala rito ang Section Breaker dahil lahat sila ay hinahanap si Eris. Hindi ko man sabihin at hindi nila ipahalata, alam kong mahalaga sa kanila si Eris.

Yung iba ring Section Ruiner at ibang hunghang ay sumama para maghanap.

Gusto kong hanapin ang kaibigan ko pero ayaw nila akong paalisin.

Para namang mamamatay ako sa gasgas ko?

"You should eat."

Napatingin ako kay Kairus na nakaupo sa kama ng clinic, magkatabi kaming dalawa at parehong nakaupo.

"Paalisin mo na kasi ako.." Kailangan kong hanapin ang kaibigan ko.

Kailangan niya kami.. kailangan niya ako.

Nanatili lang siyang nakatingin sa akin at wala yatang balak tuparin ang hiling ko.

"Faye," tawag sakin ni Chase. "You have to eat at least at little."

"Hindi ka aalis ng clinic hangga't hindi ka kumakain," sabi pa ni Trace habang hawak ang tray na may lamang pagkain na binili nila sa Cafeteria.

"Kung hindi ka kakain, hindi ka maaring umalis." Napabuntong hininga si Kaulev.

"Kaya nga," singit ni Sebastian. "Kaya kung ako sayo, kakain na ako."

"And so are you, Luna." Ani Raede.

Yes, I already know his name. The Leader of Section Ruiner.

Instead of paying attention to what Raede said, iba ang sinabi niya.

"I curse him." She clenched her fist. "I curse Eros."

She's soft-hearted. She's sensitive.

She is easy to pity, but not easy to fool.

She also prefers being alone. Because for her, it's better to be alone. She likes to be alone herself.

She likes solitude.

Tumayo ako kaya napatingin sila sa akin.

"Aalis na ako," sabi ko at kinuha ang bag ko.

Napatingin ako sa suot ko, medyo marumi na pero wala akong pakialam. Ang importante, mahanap ko si Eris.

I turned away from them and before I could touch the doorknob, someone grabbed my arm.

Nilingon ko ang taong iyon.

"You won't go, and if you do, I'll go with you." He said seriously.

Umiling ako. "Hindi ka sasama, Kairus."

"Sasama ako."

"Hindi nga," sagot ko at tumingin kay Luna na nagbabalak din yatang sumama.

"Pwede ba kaming sumama?"

Battle of the Past (Seule Fille Series #1) Where stories live. Discover now