Chapter 36

1.3K 84 12
                                    

FAYE

Hindi pa naman nagsisimula ang event kaya ang sabi sa amin ng Principal, free kaming maglibot.

Humiwalay ako sa mga hunghang kaso ayaw nila kaya ng mawala ang atensyon nila sa akin, tumakas ako.

Aminado naman akong matigas ang ulo ko.

Kaya ngayon, mag isa akong naglalakad sa hallway. Ang dami ngang tumitingin sa akin, masyadong ba akong maganda?

I could hear their whispers as I walked.

"Ganda."

"Who's that pokemon?"

"Oh, new bitch?"

"A representative, huh. Which school?"

Hindi ko pinansin ang mga bulungan nila at napailing nalang bago hilaw na ngumisi.

Tumingin ako sa hagdanan ng fifth floor, pinagiisipan ko kung aakyat ba ako o hindi. Nandito kasi ako building ng fourth year high school at itong fifth floor nalang ang hindi ko pa napupuntahan.

Muntik na rin akong maligaw kanina habang naglilibot ako. Sa laki ba naman ng Riverdale, sinong hindi maliligaw?

Daming pa-sikot sikot, parang CHU lang.

Napagdesisyonan ko nalang na umakyat at nakakatlong hakbang palang ako, naririnig ko pa ang bulungan nila na hindi ko na pinansin.

"Baliw ba siya? Bakit siya aakyat sa 5th floor?"

"Bahala siya! Mga basura pa naman ang nanriyan!"

"Miss, kung ako sayo, hindi ako tutuloy!"

"Delikado riyan, sis!"

"The worst section is on the fifth floor!"

Worst Section, huh.

I am from the worst section too.

Why should I be afraid if my current section is also the worst section?

I went to the fifth floor building of the fourth-year high school here in Riverdale.

Pansin ko kasing walang estudyante ang umaakyat dito. At kung hindi ko pa narinig ang mga bulungan nila, aakalain kong haunted ang building na 'to.

At bawat na nadadaan ko, may nakakalat na basura. Halatang hindi nalilinis at tinambakan ng mga basura.

Version 2 'to ng building namin.

Kakambal din yata 'to ng building namin.

Tumigil ako sa isang kwarto rito sa fifth floor, dito ko naririnig yung ingay, eh.

May nagsisigawan.

Pinihit ko ang doorknob at napangiti dahil hindi naka-lock. Walang paalam kong binuksan ang pinto at pumasok.

Mahina pa akong napasinghap nang may tumama na papel sa mismong mukha ko.

Tumingin ako sa kanila at nakitang lahat sila ay nakatingin sakin.

At lahat sila, lalaki. Ay hindi, may isang babae. Ang babaeng patuloy na nakikipag sabunutan sa isang lalaki.

Eris...

Napailing ako.

"Ano ba! Putangina ka, bitawan mo ang buhok ko!" Sigaw niya. "Bwisit ka!"

Nawala ang atensyon nila sakin at napunta sa dalawang nagsasabunutan.

"Hoy! Tama na 'yan!" Awat naman ng isang lalaking kulay ash gray ang buhok.

Napatingin ako sa dalawang lalaking nanatili ang tingin sa akin. Tumingin ako sa lalaking may lollipop sa bibig na nakataas ang kilay pero malamig ang tingin na ibinibigay sa akin.

Battle of the Past (Seule Fille Series #1) Where stories live. Discover now