Chapter 28

1.8K 118 36
                                    

FAYE

"Hoy, Kairus! Ito oh!" Turo ko sa latest PlayStation na nakita ko rito sa Mall habang nag hahanap kami ng pwedeng i-regalo sa birthday ni Adam.

Kung hindi niya ako biglang hinila, wala ako rito sa Mall. Ito ang problema kay Kairus e, bigla nalang nang-hihila.

At hinila niya ako para mag-patulong sa pag hahanap ng pwedeng i-regalo ka kapatid niya. Wow ha.

"PlayStation? Really?" His right eyebrow rose.

Palihim akong napairap. Siya na nga lang itong nag papatulong e.

Anong magagawa ko kung PlayStation ang lagi kong nakikitang nilalaro ni Adam bukod sa mga robot niya?

It's been three weeks since I went to their house and since then, nagtuloy-tuloy na ang pagpunta ko sa palasyo nila because according to Kairus, Adam is always looking for me.

Tapos kapag pumupunta ako sa palasyo nila I take Lucas with me so they can play together, magka-edad naman sila.

Saka, nagulat nga ako dahil magkakilala na silang dalawa at kinuwento nilang dalawa sakin na magkaklase silang dalawa. Hindi ko alam na doon din pala nag-aaral si Adam.

Hindi ko na pinansin si Kairus at nagpaunang pumasok sa Shop. Gago, amoy expensive rito.

Naramdaman ko naman ang pagsunod sakin ni Kairus.

Pumunta ako kung saan ko nakita yung PlayStation bago lumingon kay Kairus na nakatingin pala sa akin.

"Why PlayStation?" He asked curiously.

"Naalala ko kasi yung sinabi ng kapatid mo sakin na gusto niya nang latest PlayStation. Gusto niya raw pagpabili sayo kaso ang inaalala ni Adam ay ang magalit ka." I shrugged.

Napatingin siya sa PlayStation at kinuha iyon bago kunin ang kamay ko, at hinila papunta sa Cashier Counter.

Napatingin ako sa magkahawak naming kamay at napakurap.

Napailing nalang ako.

"How much is this PlayStation 5?" Kairus asked seriously.

As far as I know, the currently cost of of the PS5 is $499.99 pero rito naman sa Pilipinas ay hindi ko—

"PHP 270, 990, Sir."

"I will buy it."

Nakita kong inilabas ni Kairus ang wallet niyang maraming laman at kinuha ang black card niya.

"Here." Sabay abot nang black card niya sa namumulang babae.

Grabe naman kiligin si Ate, harapan.

Pagkatapos ihanda ang binili niyang PS5 at ibalik ang black card niya ay tuluyan na kaming umalis sa Shop.

Nahuli ko pa ngang nag-flying kiss si Ate kay Kairus, natawa pa nga ako doon e.

Mukhang tinamaan sa isang Kairus Ace Ferrer.

Habang naglalakad kami at hindi alam kung saan susunod na pupunta ay bigla siyang nag salita.

"Are you hungry?"

"I thought you wouldn't ask me if I was hungry or not, susuntukin sana kita."

Bahagyang tumaas ang kilay niya bago maunang mag-lakad.

Bastos talaga.

"Kairus," Tawag ko sa kaniya habang kumakain kami sa isang mamahaling restaurant na napili niya.

"Yes?"

Nilunok ko muna ang kinakain ko bago ulit mag salita. "Libre mo nga akong kotse, mayaman ka naman e." Biro ko.

Battle of the Past (Seule Fille Series #1) Where stories live. Discover now