Chapter 22

2.1K 129 20
                                    

FAYE

I just saw myself lying on the floor and Xyra was on the top of me as she slapped me.

Pilit ko siyang tinutulak pero nang hihina ako sa mga sampal niya.

Naririnig ko ang sigawan ng mga hunghang pero hindi ko maintindihan dahil naka-focus ako kay Xyra.

Humanda sa akin ang babaeng 'to kapag nakabawi ako. Papadugin ko ang nguso niya!

Naramdaman ko nalang na wala na siya sa ibabaw ko dahil hawak-hawak na siya ni Dwayne at nakita ko pa kung paano siya mag pumiglas.

Para akong nakipag away sa bata!

Kairus help me to stand up then he turned me to him to fix my hair that was on my face.

Habol ang hininga ko habang ginagawa niya 'yon sa akin. I was breathless at what Xyra did.

Kamusta kaya ang mukha ko?

Kairus gently touched my cheeks down to my lips and I saw how anger condensed in his eyes.

Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kaniya.

Bakit?

Binaba niya ang kamay niya at nakita ko kung paano kumuyom ang mga palad niya bago iiwas ang tingin sa akin.

Hindi ko muna siya pinansin at humarap kay Xyra. Kaharap niya si Dwayne na galit na nakatingin sa kaniya.

"What do you think you're doing?! Sinaktan mo ang kaibigan ko, Xyra. And you have no right to do that!" Galit na saad ni Dwayne habang mariin na nakahawak sa braso ni Xyra.

"Let go of me! I'm hurting, Dwayne! Bagay lang 'yon sa kaniya. Malandi siya at wala siyang karapatan na sabihin ako nang mga ganoong bagay! Bitawan mo ako!" Saad niya habang nagpupumiglas sa hawak ni Dwayne.

Tinitigan ko siya at mahinahong lumapit sa kaniya kaya napatingin siya sa akin.

Tumaas na naman ang kilay niya at aktong magsasalita nang bigla ko siyang sampalin na kinagulat nila.

"Ayoko sanang patulan ka pero sumosobra kana. Naiintindihan kita dahil mahal mo si Dwayne but you're too desperate for Dwayne's love, ayaw nung tao sayo pero pinagpipilitan mo pa rin. He can't love you so what else are you fighting for? Para kang aso na habol nang habol," Seryosong sambit ko habang nakatingin sa kaniya. "Ilang beses ka nang sinabihan at pinaintindi sayo na hindi ka niya papakasalan at mamahalin. Hirap ka bang umintindi kaya hindi mo maintindihan? O gusto mo sampalin ulit kita? Para naman matauhan ka." Dagdag ko.

Napatitig siya sa akin at aktong magsasalita nang unahan ko na siya.

"Sshh, hindi pa ako tapos." Saad ko at mukhang namang hinihintay nila ang sasabihin ko. "Sabi nila 'Walang masama kung susubukan mo dahil wala namang mawawala sayo.' at oo tama sila, pero ikaw? Sinubukan mo na pero hanggang ngayon hindi ka pa rin niya natutunang mahalin. Ilang beses mo na bang sinubukan? Marami na? Kung marami na, itigil mo na. Mapagod ka naman, ilang beses ka nang pinagtabuyan ng kaibigan ko." Mahabang sabi ko.

Nagsalubong ang kilay niya. "What are you-" Pinutol ko ang sasabihin niya.

"Hindi ko pinapangunahan ang desisyon mo at hindi ko sinasabi ang dapat mong gawin pero alamin mo ang halaga mo bilang babae. Oh wait, you should know our value as a women. We don't chase boys, boys chase us. We should not chase them, let them chase us. Know your worth, Xyra." Bahagya ko siyang nginitian kahit na gusto ko siyang suntukin sa mukha at padugin ang nguso niya dahil sa ginawa niya sa akin kanina.

"I told you earlier to put your stupidity in the right place. And by the way, katulad ng sabi ni Dwayne kanina, huwag mong dalhin rito ang pagiging spoiled brat mo. Nasanay kang binibigay at nakukuha ang lahat ng gusto mo pero si Dwayne ang hindi mo makuha, tama? Xyra, ayan na ang nagpapatunay na hindi lahat ng gusto mo ay makukuha mo." I gave her a sweet smile.

Battle of the Past (Seule Fille Series #1) Where stories live. Discover now