Chapter 7

2.4K 143 45
                                    

Author's Note: Sa susunod mag aaral ako kung paano mag basketball HAHAHAHAHAHAHAHAH tsaka kung pano gumawa ng action scene bwahahahaxd. Update for you'll. Sorry sa mga typo, wrong grammar and spelling kung meron man! Feel free to correct me po! Highly appreciated<3.

Happy 1k reads and 140 votes! Huhuhu, hindi ko expected na aabot sa 1k yung reads lol. Silent reader(s) or not, still thank you so muchhh serenenities!:>

FAYE

Nandito kami ni Trace at Ethan sa gymnasium kasama namin sila Amelia, Stacey at Ellaine, lunch time namin ngayon at hindi ko alam kung bakit nandito kami ngayon sa gymnasium.

"Anong gagawin natin dito?" Tanong ko sa kanila, nagtataka.

"Hindi namin alam. Bakit nga ba tayo nandito?" Tanong ni Ethan kaya tiningnan ko siya ng masama.

"Sinundan ko lang kayo e!" Inis na wika ko. Binalingan ko ng tingin yung tatlo, "Kayo? Anong ginagawa niyo dito?"

"Hindi rin namin alam. Nakita namin kayong tatlo kaya pumunta kami dito." Sagot ni Amelia.

Putangina.

Sumimangot ako at inilibot ang tingin sa kabuuan nang gymnasium, walang masyadong tao kaunti lang. Nahagip ng mga mata ko ang mga hunghang na mga nakaupo.

Napatingin ako sa mga bola ng basketball na mga nasa gilid.

Pumunta ako sa mga bola at kumuha ng isa, tiningnan ko yung bola at ang tinatayuan ko tapos napunta ang tingin ko sa ring sa hindi kalayuan.

Kung itatanong niyo kung saan ako nakatayo, sa gilid lang kung saan ko nakita yung mga bola ng basketball.

"Faye, i-shoot mo!" Sigaw ni Ellaine.

"Gaga, ang layo ng ring oh!" Sigaw sa kaniya ni Amelia.

Napatingin ako kay Stacey nang marinig kong magsalita siya, "Wala ba kayong tiwala kay Faye?" Rinig kong tanong niya at nakangising nilingon ako.

Napatingin ako kay Ethan at Trace na parehong nakatingin sa'kin.

"Fayeeeee! Kapag na-shoot mo yung bola sa ring, ililibre mo ako!" Sigaw niya habang malaki ang ngiti sa'kin.

Bakit parang baliktad?

Napunta ang tingin ko sa mga hunghang ng may sumigaw, si Ryuu, "Hindi niya masho-shoot 'yan! Nasa gilid siya at ang layo ng ring!" Sigaw niya at ngumisi sa'kin.

Hindi ko siya pinansin at tiningnan ulit ang kinatatayuan ko at ang ring, pakatapos tumingin ako sa bola na hawak ko.

Tumalikod ako.

"Hoy anong gagawin mo?! Isho-shoot mo 'yan habang nakatalikod?! Hindi mo kayang gawi-" Rinig ko sigaw ni Ryuu pero napatigil siya ng ihagis ko ang bola nang patalikod.

Kita ko ang gulat sa mukha niya at nanlalaki ang matang tumingin sa'kin.

Humarap ako at nakita ko ang bola na paikot ikot sa gilid ng ring at pumasok, narinig ko ang pag talbog ng bola.

Napangiti ako, "Bullseye."

Nakarinig ako ng singhapan, kaya nilibot ko ang paningin ko at napangiwi ng makitang madami palang nanonood sa'kin.

"Paano niya nagawa 'yon?"

"Tangina pre inlove na ako."

"Holy Mine!"

"Na-shoot niya yung bola nang nakatalikod!"

Battle of the Past (Seule Fille Series #1) Where stories live. Discover now