Chapter 30

2K 119 34
                                    

FAYE

"Hindi nga ako girlfriend ni Kairus! Tanga niyo naman!" Saad ko.

Nagising nalang ako nandito na ako, nakatali sa upuan at basang basa dahil sa tubig na binuhos nila sa akin.

Kung saan nila ako dinala ay hindi ko alam. At oo, nakidnap ako sa pangalawang pagkakataon.

Sa totoo lang, natatakot ako. Natatakot ako dahil baka maulit ang nangyari sakin noon.

Nawawala ang angas ko.

"Sinong tanga?!" Tanong sakin ni Brandon.

Ang alam ko, si Brandon ang boss nila. At nag utos na kidnapin ako dahil nalaman nilang girlfriend ako ni Kairus kuno.

Bakit ko naman papatulan si Kairus?

"Ikaw."

Napasinghap ako nang sampalin niya ako. Ramdam ko ang hapdi sa pisngi ko dahil sa pagkakasampal niya.

Narinig ko ang tawanan ng mga tauhan niya na hindi biniyayaan nang kagwapuhan.

"Walang nag-sabi sakin na matapang ang girlfriend ng Ferrer na 'yon." Nakangising sabi niya.

Tumingin ako sa kaniya. "Wala rin nag-sabi sakin na girlfriend pala ako ni Ferrer."

"Hindi mo kami maloloko, Miss. Nakita namin kayong naghalikan." Sabi ng isang tauhan niya na nakaupo at may hawak na isang baso nang alak.

Napatingin ako sa kaniya. "Isa ka pang tanga."

Agad siyang napatayo at lumapit sakin habang masama ang tingin sakin.

"Sinong sinabihan mong tanga?! Ako ba?!"

Napaiwas ako nang tingin dahil ang baho nang hininga niya at idagdag pang tumalsik ang laway niya sa mismong mukha ko.

"Ikaw," Sagot ko. "Ikaw lang naman ang sinabihan ko bukod sa boss mong isa rin tanga."

Napapikit ako at handa na sanang tanggapin ang malakas na sampal na galing sa kaniya kundi lang siya inawat ng boss niya na mukhang paa.

"Ako lang pwedeng manakit sa putanginang babae na 'yan." Madiin na sabi ni Brandog—este Brandon.

Nakinig naman ang isang 'to pero nanatili pa rin ang masasama niyang tingin sakin hanggang sa makabalik siya sa pwesto niya.

Nakita ko pang tinapik tapik ng kasama niya ang balikat niya para pakalmahin.

"Boss, hindi ba natin pahihirapan 'yan? O baka naman pwede naming tikman 'yan? Kinis e." Sabi ng tauhan niya at malagkit akong tiningnan mula ulo hanggang paa.

Tangina. Wala bang balak ang mga hunghang na iligtas ako?

"Sige. Gusto ko rin makitang magalit si Ferrer kapag nalaman niyang ginalaw natin ang shota niya." Nakangising saad ni Brandon.

Palihim akong napalunok. I began to tremble.

Isipin ko palang na hahawakan nila ako, nandidiri na ako... lalo na sa sarili ko.

"Nandiyan na ba si Ferrer?" Tanong ni Brandon sa tauhan niya.

Umiling yung bugnutin. "Wala pa, boss."

Nakangising tumingin sakin si Brandon. "Wala pa naman ang shota mo kaya baka pwede nating paligayahin ang isa't isa."

"Dalhin niyo 'yan sa kwarto!" Utos niya.

I was violently pulled upright by Jason, one of his companions. Si Jason lang ang kilala ko sa mga tauhan ni Brandon dahil isa siya sa pumalo sakin kanina.

Battle of the Past (Seule Fille Series #1) Where stories live. Discover now