Chapter 49

1.2K 77 24
                                    

FAYE

I stared at the enlarged gate in front of me. I was in front of the gate of the mansion. This mansion is like a castle. Wala pa rin pinagbago.

Hindi ko nga alam kung papasok ba ako o hindi. Yes, I'm nervous. I mean—who wouldn't? I've been gone for a long time.

Sa sobrang tagal kong nawala, ni hindi ko na alam kung anong nangyayari sa sarili kong pamilya.

I've been selfish for a long time. I didn't even think they were there for me. I'm only thinking about myself, aren't I? I'm so unfair. Fucking unfair. 

I miss my home.

I stepped my feet closer to the huge gate in front of me. I took a deep breath before ringing the doorbell.

Nanginginig at nanlalamig ang mga kamay ko nang sumilip ang guard sa butas ng gate. Nagtataka siyang nakatingin sa akin.

Dito pa rin pala nagt-trabaho si Manong. Matagal na rin simula ng huli ko siyang nakita.

Naka-sumbrero at naka-shades nga pala ako. Kung hindi kasi ako mags-shades, agaw pansin ang mga mata ko. Titingnan at titingnan nang mga tao ang mga mata ko.

Nag-sumbrero ako dahil mainit. Pa-mysterious lang din gano'n.

"Sino po sila?"

Tinanggal ko ang sumbrero ko at ang shades ko bago ngumiti sa kaniya. Nakita ko naman ang nanlalaki niyang mga mata habang nakatingin sa akin, hindi makapaniwala.

"F-Faye, hija?" Napakurap siya. "Ikaw nga ba talaga iyan?"

Tumango ako at ngumiti. "Ako nga po."

"Aba'y teka lang at bubuksan ko ang gate," natataranta niyang sabi at nagmamadaling binuksan ang gate, may pinindot muna siya sa loob saglit bago tuluyang bumukas ang napalaking gate.

Are you familiar with the remote control gate? That's the kind of gate we have.

Ewan ko ba kung bakit ganiyan ang gate namin. For safety na rin siguro. At saka, hirap din ako sa gate na 'yan noon kapag tumatakas ako.

Nang tuluyang mabuksan ang gate ay agad akong pumasok at sinalubong nang yakap si Manong.

"I miss you po!" Natatawang sabi ko.

Narinig ko pa ang pagsinghot ni Manong Lorde habang yakap din ako.

"Ikaw na bata ka... ang tagal ka naming hinahap! Lalo na ang pamilya mo, hija. Pasaway ka kahit kailan." Napailing siya at kumalas sa akin. Pinunasan niya ang luha niya.

"Namiss din kita, hija." Malambot siyang ngumiti akin. "Wala kasing batang nangungulit sa akin para lang makalabas siya at makapaglaro."

Natawa ako. "Kamusta po? Ang tagal po nating hindi nakita."

"Ayos naman," ngumiti siya. "Aba'y ikaw dapat ang tinatanong ko niyan. Ikaw ang kamusta, hija?"

"Ayos rin naman po."

"Paniguradong naging mahirap sayo ang mga nangyari..." Malungkot na aniya.

Battle of the Past (Seule Fille Series #1) Where stories live. Discover now