Chapter 6

2.3K 128 46
                                    

Author's Note: Hellooo! Sure akong bitin kayo dito HAHAHAHAHAH salamat sa paghihintay! Also,thank you for 160+ followers!:)

And Belated Happy 3rd Monthsary in wattpad itsmelieserenityyy!,Happy 3rd Monthsary Serenities! and last, Happy 3rd Monthsary TOGISK! Huhuhu ang dami ko palang nakalimutan i-celebrate dahil sa sobrang busy ko. August 4, 2021 ako nagsimulang magsulat tapos august 4, 2021 ko din sinimulang isulat yung TOGISK, tapos august 7, 2021 ako nagsimulang tawagin yung readers ko as serenenities, wtf puro august skl.

FAYE

Naglalakad ako ngayon para pumasok dahil trip ko na naman maglakad. Hinatid ko si Lucas sa school niya, ang dami na nga niyang kaibigan doon.

Napangiti ako dahil nakita ko ang saya sa mga mata niya sa tuwing papasok siya sa school.

Agad nawala ang ngiti ko nang may narinig akong sumigaw. "Hoy Sebastian ako naman sasapak diyan! Sinapak niya ang gwapo kong mukha!"

Napatingin ako sa harap ko dahil may binubugbog sa mismong harapan ko. Sa sobrang lalim ng iniisip ko hindi ko man lang sila napansin.

Tumaas ang kilay ko at tiningnan ang mga napatumba nila. Ang dami tapos dalawa lang sila? Tapos hindi pa sila tapos sa isa, kulang nalang patayin na nila sa bugbog.

"Tangina mo manahimik ka! Wala akong pake kung sinapak niya ang mukha mo, pangit ka naman!" Sabi ng Sebastian.

"Gago ang gwapo ko kaya! Ikaw ang pangit!"

Binitawan nang Sebastian yung lalaking binubugbog niya at hinarap ang kaibigan niya yata.

"Bobo ikaw pinakapangit sating dalawa!"

"Tanga ikaw mas pinakapangit sating dalawa!"

"Ikaw!"

"Ikaw kaya!"

Oo ako nalang pangit! Tangina.

Napahawak ako sa magkabilang tenga ko dahil patuloy pa rin silang nagsisigawan sa harapan ko. Hindi ba nila alam na nandito ako?!

Naniningkit ang mga mata ko habang nakatingin sa kanilang dalawa na patuloy pa rin na nagtatalo kung sinong pangit sa kanilang dalawa.

Parang pamilyar sila sa'kin. Tiningnan ko sila ng maigi, ay gago mga kaklase ko 'to e.

"Hoy kayong dalawa nagtatalo pa kayo, e pareho naman kayong pangit! Tangina niyo! Ang lapit lapit niyo sa isa't isa, nagsisigawan pa kayo! Magkaharap lang kayo gago!" Hindi ko napagilang sigawan silang dalawa.

Sabay silang napatingin sa'kin, "E, bakit ka sumisigaw?!"

Napakurap ako at tiningnan silang dalawa ng masama, "Bakit din kayo sumisigaw?! Ang lapit lapit ko lang! H'wag niyo kong sigawan!"

Napatigil silang dalawa at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

"Faye?" Sambit nilang dalawa.

Wow. Kilala naman pala ako.

Tiningnan ko lang silang dalawa nang masama bago sila lagpasan, late na kaya ako!

"Teka hoy! Sabay na kami sayo!" Tumaas ang kilay ko dahil pinagitnaan nila akong dalawa.

Si Sebastian sa kanan ko at yung isa naman na hindi ko kilala sa kaliwa ko.

"Ehem Faye, ako nga pala si Sebastian."

"Alam ko."

"Paano mo nalaman? Stalker ka 'no?" Tumigil ako sa paglalakad at tiningnan siya.

"Dati ka bang assumero sa past life mo?" Nakangiwing tanong ko na kinabusangot niya.

Battle of the Past (Seule Fille Series #1) Where stories live. Discover now