Chapter 2

2.6K 154 38
                                    

Author's Note: Late update nawalan ako ng load hshshs,magu-update ulit ako tommorow!<33.

Sinisipag ako mag sulat beh. Enjoy Reading!:)

FAYE

Nasa tapat na ako ng pinto ng room pero hanggang ngayon nakatayo pa rin ako sa labas. Feeling ko kasi sa oras na pumasok ako sa loob may hindi magandang mangyayari sa akin.

Naalala ko tuloy yung ginawa kong pag-tuhod sa sa junjun niya kahapon, kamusta na kaya yung little kairus niya? Little daw kasi baka maliit.

Napailing ako sa mga naiisip ko.

Papasok ba ako o hindi? Kabado ako bente.

Huminga ako ng malalim at binuksan ang pinto, ang maingay na room... tumahimik ng pumasok ako. Napakagat ako sa labi ko at humigpit ang hawak ko sa strap ng bag ko.

Wala sa sariling napatingin ako sa pwesto ni Kairus, napalunok ako dahil sobrang sama ng tingin niya sa akin.

Napaiwas ako ng tingin at dumiretso sa upuan ko. Bago pa ako maka-upo nagsalita ang katabi ni Kairus.

"Sigurado ako na alam mo na ayaw namin sa babae. Alam mo rin na hindi ka tanggap dito. Bakit pumasok ka pa?" Base palang sa pagsasa-salita niya, halatang ayaw niya sa akin.

Hinarap ko siya at ngumiti, "Sa tingin mo ba may pakialam ako? At sa tanong mo na 'Bakit pumasok ka pa?' natural papasok ako dahil nandito ako para mag aral."

Napa-pikit ako dahil may nagbuhos sa akin ng harina mula sa likod ko, tangina.

Narinig ko ang tawanan nila. Binuksan ko ang mga mata ko at tumingin sa dalawa na nakangisi sa'kin ngayon.

"Faye..." Rinig kong tawag sa akin ni Ethan pero hindi ko siya pinansin.

"Bakit kasi hindi kana lang umalis? Hindi ka naman bagay dito." Sambit ni Jake. Siya yung nagsabi sa'kin na mukha akong aso. Oo alam ko na ang pangalan niya, sinabi sa akin ni Ethan kahapon. At yung isa namang nagsabi na mayabang ako, si Ryuu.

Naikuyom ko ang kamao ko dahil binato nila ako ng itlog. Nakagat ko ang labi ko dahil sa inis.

Pinunasan ko yung mukha ko at hinarap sila. "Bakit ako aalis? Ito ang section ko, wala lang pinaalala ko lang baka kasi hindi niyo alam o kaya nakalimutan niyo."

"Bawal ka dito. Hindi ka tanggap dito. Umalis kana lang." Sabi ni Dwayne na nakatayo malapit sa pintuan, nasa gitna pa talaga ng daan ah. Oo kilala ko na siya dahil nagtanong ako kagabi kay Ethan, magkachat kasi kami kagabi. Paano ko nalaman itsura ni Dwayne? Sinend niya picture ni Dwayne kagabi. Ewan ko ba nagulat nalang ako in-add niya ako sa facebook, silang dalawa ni Trace. In-add pa ako sa gc ng section knight kaso nilait lait lang naman ako ng mga hunghang.

Naka-follow pa silang dalawa sa akin sa lahat ng social media accounts ko, pati tiktok. Pero syempre hindi papayag si Ethan na hindi sila nakafollow back sakin.

"Hindi ko hinihingi ang opinion mo." Hindi ko alam kung bakit siya minahal ni Ellaine, ugali palang wala na. "Ex boyfriend ka ni Ellaine diba?" Natahimik siya sa tanong ko, natigil din ang kapwa niya hunghang sa pagbato sa'kin ng itlog at pagbuhos sa'kin ng harina dahil sa tanong ko.

Hindi ko na alam ang itsura ko dahil sa ginawa nila sa'kin. Mukha na siguro akong white lady na may design na itlog.

"A-Ano naman sayo?"

"Kissing other girl in front of his girlfriend? Cheating on his girlfriend? Oh, really?" Natatawang sambit ko. Paano ko nalaman? Tinanong ko si Amelia tungkol dito, kung bakit sila nag break na dalawa.

Battle of the Past (Seule Fille Series #1) Onde histórias criam vida. Descubra agora