Chapter 52

1K 46 0
                                    

FAYE

My brother immediately hugged me after I told them what happened, even though he was still struggling to move habang si Mommy naman ay umiiyak na nakayakap sa akin.

She turned to me and held my face as she cried. She wiped my tears. Kitang-kita ko ang sobrang sakit at awa sa mga mata ni Mommy. May galit din akong nakikita sa mga mata niya pero mas lamang pa rin ang sobrang sakit na nakikita ko.

Sa tuwing naaalala ko ang masakit na alaalang 'yon, bumabalik lahat sa akin ang sakit na ginawa nila. I feel like it just happened yesterday.

And every time I remember that, I can't help but blame myself for his death. Magkasama kaming kinuha pero isa lang ang nakabalik sa aming dalawa na buhay.

I can't move on. How can I move on if the pain is still here?

"A-Ang a-anak ko... our s-son." Umiiyak na sabi ni Tita Amanda, ang ina ni Hiro.

Napatingin ako sa pamilya ni Hiro. Nakita kong umiiyak sa bisig ni Tito Owen ang asawa niyang si Tita Amanda. Habang si Ate Olivia naman ay nakatulala habang tumutulo ang luha, hindi makapaniwala sa nangyari sa kapatid.

Napatingin ako sa iba at ganoon din ang mga reaksyon nila. May mga nakatulala, umiiyak, at nakikita ko ang sobrang awa sa mga mata nila dahil sa dinanas namin mula sa kamay nila.

Napayuko ako at napahikbi, hindi muling napagilan ang pagbuhos ng luha ko. Ramdam na ramdam ko ang mga mata ng mga hunghang sa akin lalo na siya.

"Kleyzen..."

Napaangat ang tingin ko at napatingin kay Daddy. Nakita ko siyang napaupo sa sahig habang tulala at umaagos ang luha.

Napaiyak ako nang makitang nahihirapan ang ama ko. I see mixed emotions in my father's eyes.

"A-Ang a-anak ko... ang a-anak natin, F-Fiona." My father's voice trembled. "T-They tortured my d-daughter... m-my only d-daughter!"

What they recognize as a cruel and dangerous person is crying in front of them. My father was crying in front of them.

"P-Putangina nila... yung a-anak ko," umiiyak na sabi niya. "W-Why... b-bakit yung a-anak pa natin, Fiona?"

Tumingin sakin si Mommy bago lumapit kay Daddy na ngayon ay kuyom na kuyom ang mga kamao.

Niyakap siya ni Mommy habang humihikbi. He calms Daddy down because, at this time, we can feel his anger.

Nanghihinang tumayo si Daddy, agad naman siyang tinulungan ni Mommy. Tumingin siya sakin at lumapit.

My father hugged me, and I hugged him back. I cried while Daddy hugged me and kept rubbing my back.

"I'm sorry... I'm s-sorry," he apologized again and again. Umiling ako dahil wala naman siyang dapat ikahingi ng tawad dahil una sa lahat, walang kasalanan ang ama ko.

"T-They will pay, hmm?" Lalong humigpit ang yakap niya sa akin. "I'll make sure they rot in jail. I will let them face the hell they have entered. Putangina nila." Every word he said, I could feel his anger.

Tumingala ako kay Daddy habang nakayakap pa rin sa kaniya. Tumingin siya sa akin at pinunasan ang luha ko.

"You need to calm down, Kleyzen." Biglang sambit ni Tito Chandler at tumingin sakin. Kitang-kita ko ang awa, lungkot, at bahid ng galit sa mga mata niya.

Battle of the Past (Seule Fille Series #1) Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα