Chapter 12

2.1K 128 36
                                    

Author's Note: Hii mga bestie, nagbabalik na naman ako para mag update, opo opo magu-update ako. As I said in my last update, I will update often dahil gusto kong makalahati 'tong TOGISK huhu.

Typographical and Grammatical errors ahead.

Enjoy Reading!:)

FAYE

"Saan ka magpa-practice ng kanta mo? Teka, ano nga ba ang kakantahin mo?" Tanong ni Kiel.

It's been three weeks since I was chosen as the representative of our section.

Nandito kami nang mga hunghang sa cafeteria at magkakasamang kumain dahil lunch time na. Inaya nga ng mga gago yung tatlong bruha tapos pinagtabi pa nila yung dalawang mag-ex na si Dwayne at Ellaine dahil pareho naman na daw silang naka-move on kaya sila na daw ang magtabi.

Yung kambal hindi ko mahagilap, lagi nalang silang nawawala tapos minsan nakikita ko pang may mga sugat at pasa pero kapag tinatanong ko naman kung anong nangyari paulit ulit lang ang sagot nila sila sakin 'wala lang 'to.', 'malayo 'to sa bituka.'

Alam ko naman na nagsisinungaling sila sakin at alam ko rin naman na may nangyayari sa kanila pero hindi lang nila sinasabi sakin kaya hanggang ngayon naghihintay ako na magsabi sila sakin.

At hindi ko alam kung kumakain ba yung kambal na 'yon tuwing break time at lunch time dahil hindi ko sila nakikita dito sa cafeteria kasi lagi silang wala.

Nilingon ko si Kiel at umiling, "Wala akong balak mag practice at hindi ko pa alam ang kakantahin ko." Sagot ko.

"Ano?!" Gulat na sabi nila, rinig ko ang tawa ni Chase at nakita ko naman ang pag salubong ng kilay ni Kairus.

"Paano kung matalo tayo?" Nakangusong tanong ni Ethan sakin habang kain ng kain.

Kanina pa siya may kinakain, hindi ba siya nabubusog?

"Faye, matatalo tayo niyan!"

"Mag practice ka! Ayokong matalo tayo!"

"Bibilhan ka namin ng chuckie! Basta mag practice ka lang jusmeyo marimar!"

Ngumiti lang ako lang ako sa kanila. "Hindi tayo matatalo."

Kahit naman hindi ako mag practice, sisiguradin kong mananalo kami.

"How can you be sure?" Kairus asked.

Wala ba siyang tiwala sakin? Well, halata naman.

"Sa tingin mo ba hahayaan kong matalo tayo?" I didn't become an Allister just for nothing.

He laughed sarcastically. "You said you wouldn't practice. So it means there is a chance that we will lose the singing contest."

"You're right, I said I wouldn't practice but I didn't say I would let us lose." Tugon ko.

Natahimik silang lahat dahil sa sinabi ko, tiningnan ko si Kairus at tinaasan ng kilay. Napatingin kami sa entrance ng cafeteria nang may mga pumasok kasama na doon si Chloe, nagtatawanan sila.

Nilibot ko ang paningin sa loob ng cafeteria dahil bigla nalang silang tumahimik simula nung pumasok sila.

Sino ba ang mga 'yan?

Bumigat ang hangin dito sa loob ng cafeteria. Anong meron? Napatingin ako sa mga hunghang na palihim na sinasamaan ng tingin ang mga bagong pasok. Bumaling ako kay Chase at Kairus na parehong seryoso ang mga mukha.

Dahil katabi ko si Chase kinalabit ko siya kaya napatingin siya sakin.

"Bakit?" Tanong niya.

Nginuso ko yung mga bagong pasok na kasama ni Chloe na mga nakaupo na sa hindi kalayuan sa lamesa namin.

Battle of the Past (Seule Fille Series #1) Where stories live. Discover now