Chapter 24

2.1K 125 25
                                    

FAYE

May naka-indirect kiss na ako at si Kairus pa!

Bakit kasi ginawa ni Kairus 'yon? I couldn't sleep well last night dahil sa kakaisip sa ginawa ni Kairus kahapon.

Indirect kiss lang 'yon pero feeling ko para kaming naghalikan.

"Aray!" Hinawakan ko ang noo ko ng pitikin ako ni Ethan sa noo. "Problema mo?" Tanong ko at sinamaan siya nang tingin.

"Kahapon, tulala ka tapos ngayon, tulala ka rin. Naka singhot ka ba?" Napatakip siya sa bibig niya.

"Manahimik ka. Hindi ako naka singhot." Sagot ko.

Napatingin ako sa pintuan nang may pumasok at nakita ko si Chase at si Kairus.

Our eyes met. I immediately averted my gaze from Kairus. Napayuko ako dahil feeling ko namumula ang mukha ko, nawala na sa isip ko yung sa ginawa ni Kairus kahapon pero ngayon, nakita ko lang siya, bumalik na naman sa isip ko ang bagay na iyon.

Tanginang indirect kiss 'yan, lakas ng impact sa'kin.

"Uy, bakit ka namumula?" Tanong ni Kiel habang nakayuko ang ulo, sinisilip ako.

Nakita kong gano'n din si Ethan at Ryuu. Bakit nandito sa pwesto namin si Ryuu?!

Pinili kong hindi sila pansinin.

I take a deep breath before lifting my head. Pero pagkaangat ng ulo ko, pagmumukha agad ni Kairus ang sumalubong sa akin!

Putangina naman oh.

Nasa harapan ko siya at ang mukha niya ay nakababa, at... at ang lapit sa'kin! Unti nalang maglalapat na ang labi naming dalawa!

"Luh, ano 'yan?"

"Wow, bold."

"Porn!"

"Faye, sabi mo ako lang?! Mga taksil!"

"Wala na, tapos na. May nanalo na."

"May nanalo na? Aww, look oh, I'm sad na."

Lumunok ako at inilayo ang makinis niyang mukha sa akin. Tangina, namumula ba ako?!

Relax, Faye. Relax.

Tumayo ako at agad na hinila si Trace papalabas. Hindi ko na pinansin ang mga hunghang na tumatawag sa amin.

Alam kong nagulat si Trace dahil bigla ko nalang siyang hinila, hindi ko nga rin alam kung bakit ko siya hinila.

Dinala ako ng mga paa ko sa garden ng CHU. Binitawan ko ang kamay ni Trace at umupo sa bench.

Naramdaman ko namang sumunod siya sa'kin at umupo sa tabi ko.

"Trace, anong mararamdaman mo kapag may naka indirect kiss ka?" Bigla kong tanong sa kaniya.

Indirect Kiss lang 'yon pero ang lakas na ng impact sa akin.

"Honestly, I don't know. I don't know the answer of your question. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, hmm maybe, dumbfounded?" Natawa siya. "Baka kung maranasan ko iyang indirect kiss na 'yan sa taong mahal ko baka magpa-party pa ako sa sobrang saya. Indirect Kiss palang iyon pero malakas na ang impact sa akin, paano pa kaya kapag totoong kiss na? Edi baka humimlay na ako non."

Napakurap ako at ilang minuto lang ay humalakhak ako dahil sa sinabi niya.

Hindi ko alam na may ganito pala siyang side. Medyo tahimik kasi siya e.

Battle of the Past (Seule Fille Series #1) Where stories live. Discover now