Chapter 54

1K 64 16
                                    

FAYE

Kairus drove me home yesterday. Sakto rin na pinapauwi ako ng magulang ko para makapag-pahinga ako kaya wala rin akong nagawa. I didn't want him to drive me home, but Kairus insisted.

Napabuntong hininga ako bago tuluyang bumangon mula sa pagkakahiga ko sa kama. Dumiretso ako sa CR para maghilamos at magtoothbrush.

Pagkalabas ko ay agad akong nagbihis pang-alis dahi pupunta akong Sapphire. Matagal na rin simula nang makapunta ako roon. At isa pa, nakakamiss ang mga tao roon.

Mababait ang tao sa Sapphire kaso may naligaw na isa na masama ang ugali. Mas masahol pa kay kamatayan ang ugali.

Hindi rin alam ng mga tao na nakauwi na ako... na nakita na ako. Hindi pa rin naman pinapaalam ng pamilya ko sa media at pabor naman iyon sakin.

Pero ngayon, mukhang malalaman na gayong bibisita ako sa Sapphire. I'm sure the news would spread like wildfire the next day.

Nang masiguro kong maayos na ako ay agad akong lumabas sa kwarto at bumaba. Binati ako ng mga kasambahay na agad ko naman ginantihan ng tipid na ngiti.

Dumiretso ako sa dining table namin at nakita si Manang na naghahain. Agad akong lumapit sa kaniya at niyakap siya.

"I miss you, Manang!" sabi ko habang yakap siya.

Ginantihan niya ako ng yakap at bahagyang ginulo ang buhok ko. "Ikaw talagang bata ka! Hindi ka pa rin nagbabago, hija."

Ngumiti ako sa kaniya at kumalas mula sa pagkakayakap. Si Manang Sally ay isa rin sa mga nag-alaga sa akin noon at matagal ko rin na nakasama. At isa pa, matagal na rin siyang nagsisilbi sa pamilya namin.

Pinaghanda niya ako ng gatas at sandwich. Umupo siya sa tapat ko at nakangiting pinagmasdan ako.

"Thank you, manang." Pagpapasalamat ko bago ko kainin ang inihanda niya sa akin.

"Akala ko hindi kana uuwi, hija."

Napatigil ako sa pagkain at tumingin sa kaniya habang ngumunguya. Nilunok ko muna ang kinakain ko bago natawa ng mahina.

"Pwede ba naman 'yon, Manang? Uuwi at uuwi po ako dahil kayo ang tahanan ko," sagot ko at ngumiti.

"Ayos ka lang ba?" tanong niya pa at pinagpalaman pa ako ng tinapay.

Uminom ako ng gatas bago magsalita. Tipid akong ngumiti kay Manang. "Hindi ko po masabi..."

Tumango-tango siya at ngumiti sa akin. "Magiging maayos din ang lahat, hija. Lahat ng nangyayari sa atin ay may dahilan. Hindi ko man masabi ang dahilan na iyon pero hija, naniniwala ako magiging maayos din ang lahat. Malalagpasan niyo rin ang pagsubok na binigay sa inyo ng diyos."

Napangiti ako sa sinabi ni Manang. Sana nga, Manang. Sana nga...

Tumayo ako at yumakap ulit sa kaniya. "Salamat po sa masarap na pagkain."

"Aalis ka ba, Erin?" tanong niya.

"Opo," sagot ko. "Pupunta po akong Sapphire at kung sakali man po na umuwi sina Mommy, pakisabi po na umalis ako."

Battle of the Past (Seule Fille Series #1) Where stories live. Discover now