Chapter 19

2.1K 127 38
                                    

Author's Note: Magu-update na ako ngayon dahil wala na akong load bukas HAHAAHHAAH sakit naman. Masipag na ako oh.

Enjoy Reading!

FAYE

Ayoko na! Pagod na ako.

P.E time namin ngayon at ayon na nga, pinatakbo kami ni Sir Logan paikot putangina. Sinasabi ko na e, masama kutob ko sa P.E namin ngayon.

May oval kasi rito sa CHU at nasa loob kami ng oval para tumakbo paikot. Gago, ang lawak ng oval! Wala pa nga sa kalahati ang natatakbo ko.

Tumatakbo kami habang si Sir nakaupo lang at masayang pinapanood kami. Hindi ganito ang bonding, ang pangit.

Madaming nananood sa'min at yung ibang mga babae nagsisigawan dahil yung ibang mga hunghang, nakahubad. Basa na kasi ng pawis ang damit ng iba kaya naghubad.

May ipagmamalaki naman sila e. Daming pandesal at oo pinalilibutan ako ng mga gwapo.

Nakasuot kaming lahat ng pang P.E na damit. It's a good thing I didn't leave my clothes behind, I thought my clothes were not not in the locker.

I also have an extra uniform in the locker para pang palit mamaya.

I sat on the sand because I was tired. I'm so sweaty now.

Nilibot ko ang tingin sa kabuuan ng oval, tangina ang layo pa nang tatakbuhin ko! Tapos yung ibang hunghang naman, tuloy tuloy pa rin at may iba rin na mga nakaupo sa buhangin dahil sa pagod tapos may iba naman na mga nagrereklamo na kesyo raw pagod na sila.

Ang oval ng CHU ay malawak at nasa gitna. Yung gilid ay puro buhangin lang kung saan tumatakbo kami at sa pinakagitna naman may mga maliliit na damo.

Hanggang ngayon hinihingal pa ako dahil sa pagtakbo. Ngumiwi muna ako bago tumayo, baka mapagalitan pa ako. Pinagpagan ko ang suot ko dahil may naiwang buhangin.

Kinuha ko ang panali ko sa buhok para itali ang nakalugay kong buhok.

Tinali ko ang buhok ko na pa-messy bun. May naiwan pa ngang takas na buhok sa gilid ng mukha ko na hinayaan ko naman. Hindi naman ako maarte sa pag tali ng buhok, basta nakatali ang buhok ko, ayos na.

Nagulat ako nang biglang may sumakay sa likuran ko na muntik ko pang ikatumba kung hindi ko lang nai-balanse ang katawan ko.

"Uy Faye! Takbo na! Yahhh digidig digidig! Hiya!" Sigaw ni Ethan habang nakapulupot ang dalawang braso niya sa leeg ko at ang dalawang binti naman niya ay nakapulupot sa bewang ko.

"Putangina mo! Baba!" Sigaw ko rin sa kaniya.

"Ayoko. Takbo ka muna!" Sabi niya at mas lalong hinigpitan ang pagkakakapit sa'kin.

Dito yata ako mamamatay...

"Bumaba kana! Nasasakal ako gago!" Sabi ko habang tinatanggal ang pagkakakapit niya sa'kin pero mas lalo lang humigpit 'yon.

Oh my ghad.

"Ihhh dali naaaa!"

"Ayoko!"

"Hindi ako bababa! Bahala ka."

"Ibabagsak kita."

"Hindi mo kaya."

"Kaya ko! Gusto mo simulan ko na?" Tanong ko sa kaniya at bahagya siyang nilingon sa likuran ko.

Nakita kong nakasimangot siya na parang bata. Napangiwi ako dahil sa higpit nang pagkakahawak niya sa'kin.

Balak ba niyang patayin ako? Goodness.

Battle of the Past (Seule Fille Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon