Chapter 44

1.3K 74 27
                                    

FAYE

Napatingin ako kay Ethan na ngayon ay natutulog sa kandungan ko. Katulad nila, mugto ang mga mata ko.

Napagdesisyonan kong iuuwi ko si Ethan. Hindi ako papayag na bumalik pa siya roon. Hinding-hindi na siya babalik doon.

Napatingin kay Kairus na nasa tabi ko at magkasalubong ang dalawang kilay. Buti nalang at napigilan namin siyang sumugod sa mga Mendoza, ako nga pinipigalan ang sarili ko tapos siya basta-basta nalang susugod?

Hindi siya pwedeng sumugod nang basta basta.

Gusto ko munang marinig at malaman ang mga problema nila, kung ano ang mga naranasan nila.

Sa tatlo palang, sobrang nanghihina na ako at sobra na ang galit ko kaya paano pa sa iba?

Nandito pa rin naman kami sa classroom. Tahimik pagkatapos nang kay Ethan, ni wala ngang nagsasalita at hindi namin alam kung sino ang sunod.

"Ako na," mahinang sabi ni Ashton na hanggang ngayon ay naiiyak pa rin dahil sa sinapit ni Ethan.

Sinong hindi? Kahit ako umiyak at ito ang unang pagkakataon na muli akong umiyak, at ang malala, nakita pa nila.

Hindi ko napigilan ang emosyon ko.

"Wala naman akong problema sa pamilya o kaibigan. Maayos naman buhay ko, hindi lang kasi ako maka-move on sa ex ko, e," napakamot siya sa ulo.

"Si Assunta na naman?" Nakangiwing sabi ni Zyrus.

"Assunta?" Nagtatakang tanong ko.

"His ex-girlfriend cheated on him," sagot ni Kairus.

"Pinagpalit siya sa boy bestfriend," dugtong ni Trace.

"That hurts, doesn't it?" Chase asked innocently.

"Yeah." Kaulev yawned.

"Paanong hindi ka ipagpapalit non? Iyon may best, ikaw wala." Sebastian shrugged. May hawak siyang maliit na salamin habang tinitingnan ang mugto niyang mga mata.

Binato ni Ashton si Sebastian nang walis tambo na inaabot ni Ryuu.

"Aray ko naman!" Nabitawan niya ang hawak na salamin at masamang tiningnan si Ashton habang hinihimas ang sariling noo na tinamaan.

Inirapan siya ni Ashton. "Pake ko sayo."

"Pake ko rin sayo," umirap din si Sebastian bago muling tingnan ang sarili sa salamin.

"Ayon na nga, pinagpalit ako at hindi ko alam kung bakit. Mas gwapo naman ako kesa sa isang iyon."

"Ah, baka pangit kana sa paningin niya?" Kunot noong sabi ni Ryuu.

"Gago," mura ni Ashton. "Lagi niyang sinasabi na sobrang gwapo ko."

"At naniwala ka naman?" Napailing si Kiel.

Masama niyang tiningnan si Kiel. "Nung kami pa, lagi niyang sinasabi 'yon!"

"Na ano?" Tanong ni Kleon. "Na pangit ka?"

Battle of the Past (Seule Fille Series #1) जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें