Chapter 35

1.5K 82 13
                                    

FAYE

"Pahingi pagkain."

Napatingin naman ako sa harapan ko at nakitang nakadungaw si Ethan habang ang mga kamay niya ay nakalahad sa akin.

Wala akong magawa kundi ang i-abot nalang ang bag ko sa kaniya.

Kanina pa siya hingi nang hingi sa akin. Simula nung umalis kami sa CHU, hanggang sa pag byahe namin papuntang Riverdale University.

Nakita ko naman ang saya sa mga mata niya nang i-abot ko ang bag ko sa kaniya.

Nasa loob kami ng bus ngayon at bumabyahe papuntang Riverdale University. Hiwalay ang bus namin sa ibang Section na hindi naman na nakakapagtaka.

Naka-uniform sila maliban sa aming dalawa ni Klein. Naka-uniform pa rin ang mga estudyante dahil iyon raw ang usapan. Habang ang mga participants ay mga naka semi-formal attire.

Nakita ko na rin ang suot ni Klein kanina dahil nagkita kami bago umalis at pumasok sa mga bus namin. Ang gwapo niya, bagay sa kaniya ang suot niya.

Para akong sinampal ng kahirapan nung kaharap ko siya. Yung sapatos at relo ba naman ay Louis Vuitton at Gucci!

Eh ako? Chanel lang.

Nahiya yung Chanel kong bag at heels, nakakahiya tuloy na dumikit sa kaniya.

Huwag nalang kaya kaming tumuloy?

Napanguso ako.

"Hey."

Napalingon ako sa katabi kong si Kairus. Oo, katabi ko ang angry bird habang si Chase at Kaulev ay katapat namin. Kami ang nasa kaliwa habang sila ay nasa kanan.

Si Sebastian naman, katabi ang pinaka-best friend niyang si Kleon na natutulog sa likuran namin. At si Ethan na kain nang kain, nasa harapan namin katabi si Ryuu na kumakain din.

Nagf-food trip sila at yung pagkain na kinakain nila ay galing sa akin. Hindi man lang naisipan na alukin ako... ako na may ari ng pagkain na nilalantakan nilang dalawa.

"Oh, ano?"

He leaned up close and whispered into my ear.

"You're beautiful by the way," he mumbled.

"Alam ko, matagal na. Bakit ngayon mo lang napansin?" Bumulong din ako.

He laughed softly, and I nearly felt a tickle as I felt his breath touch my neck.

Hindi niya ako sinagot at bahagya pa akong nagulat nang i-sandal niya ang ulo niya sa balikat ko.

"Bahala kayo riyan! Basta wala akong nakita!"

"Ako rin! Wala akong nakita!"

"Paano yung manok ko?!"

"Game over!"

"Puta, where's the camera?! "

"Chase, galaw galaw baka pumanaw," ngumisi si Yvo.

"Nakaka-bitter naman," malungkot na ani ni Ethan habang nakadungaw sa amin at may lollipop pa sa bibig.

Hindi ko sila pinansin at sinilip si Kairus na nakapikit.

Angas ah.

Tangina nito. Ginawa akong unan? Medyo naiingit ako sa pilik mata niya, ang haba.

"Hoy, tanggalin mo nga 'yang ulo mo sa balikat ko," sabi ko at ginalaw galaw pa ang balikat ko.

Ay, no effect.

Battle of the Past (Seule Fille Series #1) Where stories live. Discover now