Chapter 27

2.4K 162 24
                                    

FAYE

Nandito kami sa classroom ni Ryuu at hindi ko alam kung bakit kaming dalawa ang nandito.

Hindi ko makita ang ibang mga hunghang. Nasaan na ba ang mga 'yon?

Hindi ba sila papasok?

"Faye, ang boring! Nasaan ba kasi sila?" Nakangusong saad ni Ryuu at nag-cross arms pa. "Feeling ko may lakad sila tapos hindi sinabi sa 'tin! Ang daya! Hmp."

Muntik na akong matawa dahil sa sinabi niya. "Hayaan muna, magkakaro'n din tayo ng sariling lakad."

"Hindi natin sila isasama?" Masiglang tanong niya sa 'kin.

Ngumiti ako at tumango kaya napangiti siya nang malaki at bahagyang sinuntok pa ang dibdib niya.

Minsan iniisip ko kung sino ang mas bata sa kanila ni Ethan e.

Dahil wala kaming magawa, nag isip nalang ako ng itatanong sa kaniya.

"Ryuu, Japanese ka ba?" I asked.

Curious kasi ako sa name niyang pang japanese kaya naisipan kong itanong dahil baka japanese siya o trip lang ng nanay niya na i-pangalan ang Ryuu sa kaniya.

Saka, singit ang mga mata niya kaya kapag tumatawa o ngumingiti siya parang wala na siyang mga mata.

Lumapit siya sakin at umupo sa bakanteng upuan ni Trace na nasa tabi ko lang.

"Half Japanese ako. Si Mommy yung Japanese at si Daddy yung Pinoy. At ibig sabihin non ay half japanese at half pinoy ako." Sagot niya.

"Ryuu Justin ba talaga ang buo mong pangalan?" Tanong ko.

Umiling siya. "Hindi."

"E, ano?"

"Ryuusei Kaito Justin." He answered.

Oh. Ang ganda ha. Halatang pinag-isipan.

"Mahaba pero maganda. Sinong nag pangalan sayo?" Tanong ko ulit.

"Si Mommy." Tipid na sagot niya.

Tumango ako. Ano kaya pangalan ng Mommy at Daddy niya?

"Anong pangalan ng Mommy at Daddy mo?"

"Reiko Takahashi at Kelvin Justin." Ngumiti siya na parang masaya siya na banggitin ang pangalan ng kaniyang magulang.

"Ako naman magtatanong ha." Bigla niyang sabi.

"Sige lang." Tumango ako sa kaniya.

"Ano pangarap mo?" Takang tanong niya.

Ngumiti ako. "Maging patatas."

Ngumuso siya at napakamot sa ulo. Feeling ko sumasakit ang ulo niya dahil sa 'kin.

"Faye naman ih. Ano nga?"

Battle of the Past (Seule Fille Series #1) حيث تعيش القصص. اكتشف الآن