Chapter 48

1K 58 2
                                    

FAYE

I was looking at his name engraved on the tombstone in front of me. Kanina pa ako nakatingin sa puntod niya simula nang dumating ako rito sa Eternal Cemetery.

Dumiretso ako rito dahil pakiramdam ko, ligtas ako sa lugar na 'to. Walang mananakit sa akin.

Hinaplos ko ang pangalan niyang nakaukit sa lapida at pagkatapos ay malungkot akong napangiti.

Ashairo Oliver Villafuerte

"Hiro..." At the same time as I said his name, the wind blew.

Para bang niyayakap ako nito at dinadamayan dahil alam nitong may problema ako. Napapikit ako para damhin ang sariwang hangin pero kasabay din ng pagpikit ko ay ang pagtulo ng luha ko.

"You promised..." I opened my eyes. "You said you won't leave me but why did you leave me, Ashairo?"

"Why did you sacrifice your life for me?" tanong ko na para bang sasagutin niya ako. "You wasted your life just for a worthless person like me."

"Hindi mo dapat sinayang ang buhay mo para sa akin," dugtong ko.

"Hiro, walang-wala ako ngayon," sabi ko pa at pagak na natawa nang mahina. "Do you know how hurt I am right now? How broken am I?"

"I fell for that man. The man who broke my heart." I lay down next to his grave and looked at the sky. "M-Mahal ko siya, Hiro. M-Mahal na mahal..."

Napakagat labi ako. "Hindi ko alam kung anong ginawa niya sakin. I don't know how I fell for that man so easily."

"Siguro kung buhay ka pa, ipapamukha mo sakin kung gaano ako katanga para mahulog sa lalaking 'yon," natawa ako. Naiimagine ko ang galit at magkasalubong niyang kilay habang sinesermonan ako.

"M-Masakit, Hiro... s-sobrang sakit." Nagsimulang manggilid ang mga luha ko. "H-Hindi ko na alam gagawin ko... tangina."

I don't know what to do anymore. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong unahin. Hindi ko nga alam kung kaya ko pa bang mabuhay.

"Since I met them and they entered my life, I have been happy. I was happy with them. They don't know how much they made me happy, and I thank them for that. I will carry the memories I built with them with me until I die." I smiled while still having tears because of those memories.

The memories that I remember again and again and that I will never forget. The memories I have with them.

"And do you know that I am so proud of them? Because of the problems they have overcome." Napabuntong hininga ako at pinunasan ang luha ko. Hindi dapat ako umiiyak dahil walang magagawa ang mga luha ko para sa mga problema ko.

"I miss you." I whispered. "I miss you so much, Hiro."

"Kailangan na kailangan kita ngayon, alam mo ba 'yon? Kailangan ko ng tao na makikinig sakin," ani ko. Kung may makakakita man sakin ngayon, sigurado akong iniisip nilang nababaliw na ako.

"Nung namatay ka, parang namatay na rin ako. Sukong-suko na ako sa buhay ko non. Muntik ko ng patayin ang sarili ko."

Totoo naman 'yon. Nung namatay siya, parang namatay na rin ako. Halos hindi ako kumakain non at araw-araw akong tulala. At bigla nalang maiiyak.

Battle of the Past (Seule Fille Series #1) Where stories live. Discover now