Chapter 18

2.2K 112 22
                                    

Typographical and Grammatical errors ahead. Edit ko soon.

FAYE

"Kairus, hoy!" Tawag ko sa kaniya ng hindi niya ako pansinin. Kanina ko pa siya tinatawag pero wala parang wala siyang naririnig.

Sinundan ko siya sa upuan niya at umupo sa upuan ni Chase. Wala pa naman rito si Chase e, kaya rito nalang muna ako. Kukulitin at aasarin ko nalang si Kairus hanggang sa umusok ang ilong niya sa galit at sumabog na parang bulkan.

Kanina pa nga kami pinagtatawanan ng mga hunghang. Ano bang nakakatawa?

Tiningnan ko si Kairus at kinalabit. Gusto ko lang naman siyang maka-close katulad ng mga hunghang e. Lagi kasi siyang may sama ng loob sakin.

"What the hell is your problem?" Inis na singhal niya sakin at tumingin sakin ng masama.

Ngumuso ako. "Ayaw mo ba akong kausap?"

"Yes. I don't want to talk to you so shut up and don't disturb me." He said and put on his earphones. And he ignored me completely.

Shot puno.

Siya na nga itong pinapansin ko, ayaw pa! Daming arte sa katawan ng gagong 'to.

Tinitigan ko si Kairus. Nakapikit siya habang naka-suot ang earphones sa magkabilang tenga. Napatingin rin ako sa adams apple niya, punyeta.

I admit, he's handsome. Whatever the angle, he's still handsome. He's was even more handsome than Chase pero hindi ibig sabihin non may crush o gusto na ako kay Kairus ha, si Chase pa rin ang crush ko.

But wait, where did his mother conceive him and is he so handsome?

Kairus kung hindi lang masama ang ugali mo baka naging crush na rin kita.

Hanggang crush lang ako ngayon, trauma pa rin ako sa love na 'yan. Nakaka-trauma ampucha.

"Malusaw 'yan."

Gulat akong napatingin sa gilid ko at nakita ko si Chase na nakataas ang isang kilay habang nakatingin sa'kin. Napatingin ako sa mga hunghang na nagtatawanan kaya sinamaan ko sila ng tingin pero walang epekto! Gago putangina.

Napatingin naman ako kay Kairus na gano'n pa rin, nakapikit at naka earphones pa rin. Tapos ako naman si tanga na hindi namalayan na napatagal ang pagtitig kay Kairus.

Kahiya, tangina.

At baka isipan nilang may crush o gusto ako sa gagong 'to! Isipin ko pa lang na magkaka-crush o magkaka-gusto ako kay Kairus, nandidiri na ako. Hindi ko tuloy ma-imagine.

Oo, gwapo siya! Pero never akong magkaka-gusto sa kaniya. No way, never. Promise, hindi ko siya magugustuhan o ano man.

Tumikhim ako. "U-Uupo k-kana ba?" Sinabukan kong hindi mautal pero nabigo ako.

Kasalanan 'to ng kagwapuhan ni Kairus e.

Napakamot ako sa ulo dahil nanatili siyang nakatingin sa'kin. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at pilit na ngumiti kay Chase.

Ngumiti ako sa kaniya. "Upo kana hehe." Sabi ko at gumilid para makadaan siya.

Dali dali akong pumunta sa upuan ko.

"May gusto kana ba kay papi?" Tanong niya habang ngumunguya.

Napangiwi naman ako. Walang araw na hindi niya ako kinausap na walang pagkain.

Saka ano raw? May gusto na ba ako kay Kairus? Ay ulol.

"Ako magkaka-gusto kay Ferrer? Kilabutan ka nga sa sinasabi mo. Hinding hindi ako magkaka-gusto sa lalaking 'yon." Sagot ko.

Battle of the Past (Seule Fille Series #1) Where stories live. Discover now