Chapter 32

1.6K 102 34
                                    

FAYE

The moment I opened my eyes, agad akong nasilaw sa liwanag na sumalubong sakin.

Ay patay na ba ako?

Pumikit ulit ako at dumilat, at putangina ilaw lang pala 'yon-teka nga! Nasaan ba ako?

Bumangon ako at inilibot ang paningin ko sa kwarto na kinalalagyan ko.

I was in the hospital.

Again.

Ayoko talaga rito. Ayoko ng amoy pero gusto kong mag Doctor.

Bakit nga ba gusto kong maging Doctor? Ang sagot? Hindi ko alam.

Ah, basta. Magd-doctor ako.

Bumaba ako ng kama at isinuot ang tsinelas na hindi ko alam kung kanino.

Napaismid ako. Wala man lang bang nag bantay sakin?

Grabe.

Gano'n 'yon diba? Kapag nasa hospital ka dapat may nagbabantay sayo? Gano'n kasi ang nababasa ko at napapanood ko. Yung iba pagkagising, maabutan nilang may natutulog sa gilid nila tapos minsan may naghihintay sa kanila.

E, bakit sakin wala? Parang kabaliktaran yung nangyari sa 'kin.

Ngumuso ako.

Nagugutom ako.

I made the decision to leave the room and look for their cafeteria.

Tahimik akong naglalakad sa hallway ng hospital hanggang sa may nakabanggan akong bata dahilan para ma-out of balance ako, at mapaupo sa sahig.

"Ouch!" Daing ko sa sakit dahil sa pagkakabagsak ko. Ang sakit!

"Aray ko po..."

Napatingin ako sa bata na nakaupo rin sa sahig habang hawak hawak ang noo niya at hinihimas.

Lucas and Adam seemed to be the same age as him.

I stood up and approached the child that I had bumped into. Tinulugan ko siyang tumayo kaya napaangat ang tingin siya sa 'kin.

Ngumiti ako.

Gumanti siya nang ngiti at tinanggap ang kamay kong nakalahad sa harap niya.

"Sorry po!"

Umiling ako at ngumiti ulit. "Ayos lang. Sorry din, hindi rin kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko, e."

Napatingin ako sa suot niya. Nakasuot din siya ng hospital gown kagaya ko.

Lumuhod ako para magpantay kami.

"May sakit ka ba?" Tanong ko.

"Lagnat lang po. Sabi po kasi sakin ni Mommy, inapoy daw po ako ng lagnat kaya po ako dinala rito."

Tumango tango ako. Akala ko masyadong malala ang sakit niya.

"Bakit ka naman tumatakbo?"

Ngumiti siya sakin. "Tinakasan ko po kasi si Yaya ko."

"Bakit naman? Baka hinahanap kana non at baka mamaya mag tumawag na 'yon ng mga pulis dahil hindi ka makita."

"Ayaw ko pong uminom ng gamot." Umiling siya.

Natawa ako nang mahina. "Alam ko ang pakiramdam na 'yan dahil ganiyan din ako nung bata ako. Pero hindi ka gagaling kung hindi ka iinom kaya kailangan mong uminom ng gamot para gumaling ka, okay ba?"

Nakanguso siyang tumango. "Okay po. Later nalang po, babalik po ako doon."

Ngumiti ako bago tumayo. Tumingala siya sa 'kin.

Battle of the Past (Seule Fille Series #1) Where stories live. Discover now