Chapter 8

2.4K 126 45
                                    

This chapter is dedicated to Haru_Catto

FAYE

Nakasabay kong naglalakad ngayon si Ethan na may benda sa braso dahil sa nangyari kahapon.

Nagulat nalang ako kanina na nasa condo ko na si Ethan at sinusundo daw ako. Ayaw pa nga akong papasukin nina Lalaine dahil baka kung mapano ako dahil sa mga sugat ko. Hindi na ako gumagamit ng sasakyan tuwing papasok ako, mas gusto ko ng maglakad, wala na akong kotse dahil ibinigay ko na 'yon kay Lenard, para sa kanilang magkakapatid.

Nung una ayaw pa niyang tanggapin dahil nakikitira na nga lang daw sila condo ko tapos bibigyan ko pa ng kotse, sobra sobra na daw yung mga nagawa ko sa kanila. Pero dahil nga mapilit ako, wala siyang nagawa kung hindi tanggapin ang bigay ko.

Muli akong napatingin sa braso ni Ethan na nakabenda.

Nahiya naman yung mga sugat ko sa nadaplisang braso niya.

"Bakit naka-benda ka?" Nakangiwing tanong ko.

Tumingin siya sa'kin at ngumuso, "May sugat nga ako diba? Kaya ako naka benda."

"Nadaplisan ka lang naman ah? Dapat hindi kana nag benda."

Tumigil siya sa paglalakad kaya napatigil din ako, tiningnan niya ako na parang maiiyak.

"Faye, ayaw ko."

"Anong ayaw mo?" Kunot noong tanong ko.

Ayaw niyang mag benda?

"Ihh ayaw kong mapasukan ng airplane yung sugat ko." Mangiyak ngiyak niyang saad.

"A-Ano?" Napakurap kurap ako.

Tiningnan niya ako ako at tumulo ang luha niya na kinalaki ng mata ko, "Diba ganon 'yon? Pag hindi mo natakpan yung s-sugat mo, papasukan ng a-airplane? Ayaw ko non, Faye."

"Ah a-ano, bakit hindi nalang bandaid?"

"Ayaw ko. Baka sirain ng airplane kapag nagtangka siyang pumasok. Kaya tuwing may sugat ako, maliit man o malaki, benda ang gamit ko. Matibay ang benda para sa'kin kesa sa bandaid, kaya yung benda nalang ang ginagamit ko sa sugat ko, para kapag nag tangkang pumasok yung airplane sa sugat ko, hindi niya magawa." Pinunasan niya ang luha niya at ngumiti sa'kin.

Juice Colored! Napahawak ako sa noo ko. Putangina.

Tumuloy kami sa paglalakad at napatingin ulit ako sa kaniya nung magsalita siya, "Ikaw ba Faye, napasukan na ng airplane yung sugat mo?"

"Hindi." Simpleng sagot.

Ngumuso siya at tumingin sa mga sugat ko, "Dapat i-benda mo 'yang mga sugat mo, para hindi mag tangka si airplane na pumasok."

Napasimangot ako, "Tara na nga, baka malate pa tayo, kung ano ano sinasabi mo. Mababaliw ako sayo putangina."

Hinila ko siya papuntang 3rd floor. Nakapasok napala kami sa Clifford hindi man lang namin namalayan. Buti nalang hindi kami late.

Nakarating kami sa tapat ng room pero bago kami pumasok nagtanong ako sa kaniya.

"Bakit alam mo kung saan ang condo ko?" Naningkit ang mga mata kong nakatingin sa kaniya.

Mukhang nagulat siya sa tanong ko, "A-ano, alam k-ko lang. S-sinundan kasi kita nung isang a-araw kaya a-ayon a-alam ko hehehe."

Tumango nalang ako at binuksan ang pinto, at sabay kami ni Ethan na pumasok.

Nagulat pa nga ang mga hunghang sa itsura ko at sa benda na nakalagay sa braso ni Ethan.

Agad na tumakbo si Ethan kay Trace, "Lolo Traceeeeee! May chika chika ako sayo tungkol sa mga sumugod sa'min kahapon habang papauwi kami ni Faye." Ngumiti siya ng malaki. Proud pa siyang may sumugod sa'min kahapon? Gano'n?

Battle of the Past (Seule Fille Series #1) Where stories live. Discover now