Chapter 31

1.6K 101 22
                                    

FAYE

"Simulan na natin. Kapag natalo niyo ako, ibibigay ko sa inyo ang babaeng 'yan." Ngumisi si Brandon. "At ikaw—Kairus, ang makikipag laban sakin." Turo niya kay Kairus na kanina pa pala nakatingin sa direksyon ko.

Umiwas ako nang tingin. Palihim akong napatingin sa kamay kong nanginginig.

Gusto ko nang umalis dito. Ayoko na rito.

"Brandog, ang unfair!"

"Bakit si Kairus lang?!"

"Kami rin! Kami rin!"

"Bakit hindi kami kasama? Ano kami rito? Multo? Pader?" Inis na saad ni Jake.

Hindi na talaga nag-bago ugali niya.

"Kalma. Masyado kayong atat makipag-away." Umiling iling si Brandon.

Nakita kong ngumiti nang malaki si Ethan. "Naman. Lalo na kung ang pangit mong mukha mo ang babasagin."

The entire Section Knight was laughing, and I could hear it. Moreover, I noticed Kairus' sneaky grin.

Para siyang natuwa dahil sa sinabi ni Ethan.

Napailing ako.

"Pwede niyo bang bilisan? Ayoko na rito." I want to go home.

Napatingin silang lahat sakin nang sumingit ako sa usapan nila.

I made an effort to smile as I gazed at my classmates. Chase wasn't there when my eyes went looking for him, pero ang alam ko nandiyan siya kanina tapos ngayon bigla nalang nawala?

He was just there previously, next to Kairus. At paanong nangyaring wala na siya sa pwesto niya kanina?

I was startled by the sound of a broken bone coming from behind me. I made an effort to look behind me and was shocked to see Chase there.

Paanong...

Napatingin ako sa dalawang tauhan ni Brandon na kanina lang ay nagbabantay sa gilid ko at ngayon ay mga wala ng malay.

Inaangat ko ang tingin ko kay Chase na ngayon ay matiim na nakatingin sakin at nakita ko sa mga mata niya ang pag aalala habang nakatingin sakin.

He approached me and cut the rope from my hand and foot right away.

He gave me his full support as soon as I stood up. He gave me hug, which even slightly shocked me.

"Tangina," Rinig kong mura niya. "Akala ko... akala ko kung ano nangyari sayo, akala ko hindi na kita makikita."

Nang yakapin niya ako, doon lang ako nakaramdam ng sobrang pagod.

And I was at ease in his embrace.

Marami akong nakitang mga tauhan ni Brandon na mga walang malay sa taas na sa tingin ko na si Chase ang may gawa.

Hindi ko alam kung paano niya nagawang kumilos ng tahimik na hindi namin nalalaman lalo na ni Brandon.

Furthermore, I have no idea how he managed to take down Brandon's men covertly.

He and his subtle gestures.

Para siyang ninja kung kumilos. Paano kung ninja nga siya talaga? Baka ayaw niya lang sabihin sakin dahil ayaw niyang mabigla ako.

Silent but dangerous, huh?

Nang tuluyan na kaming makarating sa baba, nakita ko sila. Tapos na silang patumbahin ang mga tauhan ni Brandon at ngayon, si Brandon nalang ang natira.

Battle of the Past (Seule Fille Series #1) Where stories live. Discover now