Chapter 59

850 51 7
                                    

Hi Sereneries! Chapter 60 will be the last chapter, and the epilogue will be the next.

FAYE

Mabagal kong binuksan ang mga mata ko at agad na bumungad sakin ang puting kisame.

Dahan dahan akong bumangon at napakagat labi dahil masakit pa ang katawan ko. Napahawak ako sa ulo ko nang medyo sumakit iyon.

May benda pala ang ulo ko. Habang hawak ang ulo ko ay inilibot ko ang mga mata ko sa kwarto na kinalalagyan ko ngayon.

Wala akong kasama pero may mga prutas at tubig na nakatabi sa lamesa ng hospital bed ko. Napahawak tuloy ako sa tiyan ko, hindi dahil gutom ko kundi dahil dalawang beses akong tinamaan ng bala.

Ganoon pala ang pakiramdam. Nabaril din naman ako ni Tito Dylan noon pero hindi ganito. Sandali akong napaisip at bigla ko siyang naalala.

G-Ganito.. ganito rin ba ang naramdaman ni Hiro noon? Nung oras na sinalo niya ang mga bala na dapat ay akin?

Mariin akong pumikit at napabuntong hininga. Tinanggal ko ang kamay kong nasa ulo ko. At natigilan ako nang maalala ko si Kairus. Hindi ko alam pero napaluha ako dahil naalala ko na lahat.

Naalala ko na lahat. At gusto ko siya ang unang taong makaalam na nakakaalala na ako. Gusto ko siya ang una.

Pumunta pa siya ng bahay namin noon para ibigay ang necklace. Lagi kaming magkakasama nina Hiro noon at madalas kong hanapin si Hiro sa kaniya noon kapag hindi niya ito kasama. Palagi siyang pumupunta sa bahay namin dahil lagi niyang sinasabi na gusto niya akong makita, lagi pa siyang may dalang mga pagkain at inumin na mga paborito ko. At si Hiro na lagi siyang pinagtatawanan.

Matalik silang magkaibigang dalawa.

Kung hindi si Hiro ang pupunta sa bahay namin para makipag-usap sakin ay siya naman ang pupunta, halos doon na nga siya matulog dahil ayaw niyang umuwi kapag sinusundo na siya ng magulang niyang sina Tita Ava at Tito Kaizer.

Kapag wala si Hiro, siya ang lagi kong kasama. At kapag wala siya, si Hiro naman ang kasama ko. Lagi kaming magkakasamang tatlo at halos hindi na mapaghiwalay. At naalala ko rin nung maliit palang kami ay lagi kaming naglalaro sa bahay namin. Sila pa mismo ang dadayo para makipaglaro sakin.

Siya ang huli kong kasama nung mabunggo ako ng sasakyan. Naging malinaw na ang mukha niya sa akin. Tumakas kami dahil gusto namin ng ice cream. Pero hindi ko inaasahan na ang pagtakas pala namin ang magiging dahilan para makalimutan ko siya.

Naalala ko rin na lagi niya nga ako binibisita sa hospital.. nung mga panahon na hindi ko siya maalala. At iyon yung panahon na naligtas kami mula kay Tito Dylan at panahon na wala na si Hiro.

Lagi niya akong inaalagaan kahit na hindi ko siya maalala. Naalala ko pa kung paano siya umiyak sa harapan ko.. naririnig ko ang iyak niya kapag tulog ako. At kung paano siya magkwento ng mga ala-ala naming dalawa na nakalimutan ko.

Naalala ko pa nung panahon na naalala ko pa siya, magkakasama kami nina Kairus non sa paborito naming parke. May tumulak sa aking lalaki non dahil hindi ko siya sinasadyang masagi kaya natapon ang ice cream niya.

Ginanti niya ako.. gumanti siya para sa akin. Tinanong ko pa nga kung bakit niya ginawa iyon pero isa lang naman ang sagot niya.

Battle of the Past (Seule Fille Series #1) Where stories live. Discover now