Chapter 40

1.5K 94 13
                                    

FAYE

"See you later!"

Nakangiting kumaway ako kay Klein na papunta sa Section niya. Nakita ko pa kung paano ako irapan ni Chloe.

Napaismid ako.

Inirapan ko rin siya bago tumalikod, tumakbo ako papalabas ng gymnasium, alam ko naman na naiinip na ang mga iyon.

"Tagal mo," salubong sakin ni Jake.

"Pasensya na, kamahalan." I said sarcastically.

Tinaasan lang niya ako nang kilay bago kami talikuran. Yung gagong 'to...

Napatingin ako sa umakbay sa akin. Sino ba 'to?

"I'm Karson."

"Ha? Karton?" Napakurap ako. Karton pangalan niya?

Narinig ko ang pag-singhap niya, bahagya siyang lumayo sakin at napahawak sa dibdib na para bang nasasaktan.

"Karson not Karton!" Pagmamaktol niya.

"Edi Karton nga!" Giit ko.

"Magkaibigan nga kayong dalawa ni Luna! Pareho niyong minumurder ang pogi kong pangalan!" Nakasimangot na singhal niya sa akin.

"Karton? Pangalan dati 'yon ng aso ni Luna, eh," kaswal na sabi ko at bahagyang pang nangunot ang noo ko. "Kaso nagkasakit kaya namatay."

Napanganga siya dahil sa sinabi ko.

"S iyon hindi T! KARSON IYON AT HINDI KARTON!" Sigaw niya kaya napaatras ako.

"Hoy, Karson! Lumayo ka nga, sa amin 'yan, eh." Napatingin ako sa humila sa akin, si Yvo.

"Isang sigaw pa kay Faye, tatabingi panga mo." Zyrus threatened him.

Napaismid si Karton at inirapan kami.

"Tama na 'yan," natatawang sabi ni Ichiro at nag thumbs up pa sa akin.

"Karton, did you do something to my friend?" tanong ni Luna, salubong ang kilay.

Napatingin ako sa katabi niyang si Eris na palinga-linga sa paligid, parang may hinahanap.

Sino naman kaya hinahanap nito?

"Wala akong ginagawa sa kaniya! Siya nga itong may ginawa sa akin!" sabi niya.

"Wala naman akong ginagawa sayo. Ikaw nga itong nagpapakilala na Karton ang name mo," sabi ko pa.

"Minurder mo pogi kong pangalan at minumurder mo na naman," masamang tingin ang binigay niya sa akin. "Karson kasi!"

"Karson?" Napatakip ako sa bibig. "Ay, hindi ba Karton?"

Mas lalong sumama ang tingin niya sa akin.

"It's Karson," Lumapit sakin si Chase at ginulo ang buhok ko. "Not Karton, Faye."

Napanguso ako.

Malay ko ba. Ang rinig ko Karton ang pangalan niya tapos idagdag pang Karton ang tinawag sa kaniya ni Luna!

"Kakain ba tayo o hindi?" singit ni Ryuu. "Nagugutom na kasi ako."

"Lagi ka namang gutom," asar nung lalaki na kasing edad niya yata.

"Pakyu ka, Vincent." Ryuu raised his middle finger.

"Babaliin ko 'yan," banta ko.

Nanlalaki ang mga matang lumingon siya sa akin at nagmamadaling binaba iyon at tinago sa loob ng bulsa ng pants niya.

"Ay, takot!"

Narinig kong tumawa yung Vincent kaya nilingon ko siya at nang mapansin niyang nakatingin ako sa kaniya, napatigil siya at nagmamadaling nagtago sa likod ni Luna na agad namang pinapaalis sa likuran niya.

Battle of the Past (Seule Fille Series #1) Where stories live. Discover now