Chapter 60

1.1K 66 6
                                    

FAYE

Binaba ko ang gitara sa tabi ng puntod ni Hiro nang matapos akong kumanta. Hinimas ko ang pangalan niyang nakaukit sa lapida.

Napangiti ako.

I kept my promise to visit him when I got justice for him. I visited him after I got out of the hospital a few years ago.

"Babalik ako ha? Babalikan kita." Tumayo na ako at pinagpag ang likod ko dahil baka may dumi. Napagpasyahan ko nang umalis dahil isang oras din kasi akong nandito at nakaupo sa tabi ng puntod niya.

I tell him everything that happens to me. And when I have time, I visit him.

This is where I spend my time.

I have finished my studies. I graduated with flying colors. I became a Dean's Lister. I also became magna cum laude in our batch in college. I fulfilled my dream of becoming a doctor.

After a few years of studying medicine, I am now a full-fledged doctor. I have my own hospital now.

Habang ang mga hunghang ay ganoon din. They graduated with flying colors, too. May pasabi sabi pa sila sakin na matalino naman daw sila, tamad lang.

Hindi rin kami masyadong nakakapag-usap nung mag college kami dahil sa dami ng gawain namin. Isa pa, sobrang busy namin sa mga kursong kinuha namin. Madalang nalang kaming magkita-kita at mag-usap.

Someone took a law course like Ryuu, just like he wanted it to happen. Trace also took the same course as Ryuu.

Hindi ko nga akalain na may balak pala siyang maging lawyer dahil hindi talaga halata sa kaniya. Sabagay, hindi ko talaga akalain na magla-lawyer si Ryuu dahil sa mga kagaguhan niya. At mas nagpursige sila sa kurso nila dahil sa ama ko. Ang astig daw kasi! Nakapagpatayo na ang dalawang 'yon ng sarili nilang law firm.

Si Chase ay naging photographer na at si Yvo at Zyrus ay ganap ng architect. Parang dati lang ay puro lang sila stick man! Habang si Dwayne ay naging sikat na aktor. Isa pa, si Dwayne at Ellaine na ulit! Kung hindi ako nagkakamali ay tatlong taon hinihintay ni Dwayne si Ellaine. At hindi ko alam kung paano nila napapayag ang magulang ng isa't isa.

Isa pa, nasabi at naipaliwanag na ni Dwayne ang dahilan niya noon. Pinaliwanag niya lahat kay Ellaine. At naalala ko pa kung paano siya magkapasa sa mukha.

Si Kaulev at Sebastian ay isa na rin ganap na piloto. May airline rin sila, silang dalawa ang may ari. At si Kleon ay naging sikat na singer! Hindi ko akalain na kumakanta ang lalaking 'yon dahil never naman namin narinig na kumanta ang gagong 'yon. Tinanong pa namin kung bakit hindi niya sinabi pero ang sagot lang naman niya ay shy type raw siya.

Hindi ko alam kung paano naging shy type 'yon, e, walanghiya ang lalaking 'yon.

Akala ko nga nung una ay papasok ng politika sina Sebastian at Kleon dahil sa ama nila pero hindi pala. Ayaw nila dahil ayaw daw nilang mamatay.

Si Ethan ay nag chef! May sariling restaurant na nga ang matakaw na batang iyon! At siya nga ang nawawalang anak nina Tito Alexis at Tito Ehra. Kung dati ay siya ang pinapakain namin, ngayon naman ay siya ang nagpapakain sa amin.

Ang batang 'yon ay nililigawan pala si Katrina! Nung nakaraan ko lang nalaman at kung hindi ko pa nakita ay hindi ko malalaman!

Battle of the Past (Seule Fille Series #1) Onde as histórias ganham vida. Descobre agora