Chapter 58

739 48 8
                                    

FAYE

It was my father, and the whole Section Knight was with him.

At hindi lang iyon. Dahil nandito rin ang mga kaibigan ni daddy na sina Tito Kaizer at ang iba pa. May sari-sarili silang hawak na mga baril sa kamay nila.

Nakatingin ako kay daddy na mahigpit ang hawak sa baril na nakatutok kay Tito Dylan na hindi naman makapaniwala na nahanap na nga kami.

The atmosphere around us is suffocating. They just kept looking at each other intently. No one wants to lose.

But suddenly someone spoke and broke the silence and suffocating atmosphere that surrounded us.

"Angas ng tattoo natin, ah." I looked at the person who spoke. It was Tito Alexis, and he suddenly appeared out of nowhere.

He is the possible father of Ethan. Ang bilis naman niyang makauwi rito. Sure naman akong nasabi na sa kaniya lahat lalo na ang tungkol kay Ethan.

Napatingin sa akin si Tito Alexis at tipid na ngumiti bago ibaling ang tingin niya kay Tito Dylan.

"You kidnapped Kleyzen's daughter again?" Tito Alexis smiled boldly. "That's why Kleyzen transformed into a dragon again."

"And you actually kidnapped Chad's son as well. That's why Chad became a dragon too," he added, and he glanced at Chase for a moment.

Masamang tingin naman ang natanggap niya mula kay daddy at Tito Chad.

"Alexis?" Hindi makapaniwalang sabi ni Tito Dylan. "Kailan ka pa nakauwi?"

Napangisi si Tito Alexis pero agad ding sumama ang tingin niya kay Tito Dylan.

"Kanina lang." Tipid na sagot ni Tito Alexis. "Tangina ka. Anong ginawa mo sa anak ko?"

"Nahanap mo na?" Malokong tanong ni Tito Dylan.

"Sinasabi ko na nga ba at may kinalaman ka sa pagkawala ng anak kong hayop ka," gigil na sabi ni Tito Alexis at galit na inagaw ang baril ni Tito Owen na katabi niya.

Nanlaki ang mata ko ng galit niyang itutok ang baril kay Tito Dylan. Ang mapaglarong ngisi na nakapaskil sa labi ni Tito Alexis ay naglaho.

"Hindi ko akalain na naging kaibigan kita, na naging magkaibigan tayong dalawa." Natawa nang mapait si Tito Alexis at napailing. "Tangina. Kung galit ka sakin, sakin lang. Huwag mong idadamay ang anak ko."

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. Naging magkaibigan sila? Magkaibigan sila.. noon?

"I did that to make you regret not taking my side! I took revenge on you for betraying me! You chose to side with that trash over me!" Tito Dylan laughed like a madman.

"Hindi kita kinampihan dahil mali ka!" galit na sagot ni Tito Alexis. "Tangina. Una palang, maling mali kana! Gago ka! Hindi mo rin kailangan idamay ang anak ko sa galit mo dahil lang sa hindi kita kinampihan! Putangina!"

"I repeatedly told you to stop what you were doing or whatever your plan was, but you didn't listen to me. Oo, kaibigan kita. Oo, tinalikuran kita. But I didn't betray you. I just can't stand or tolerate your behavior!" You can see Tito Alexis' frustration in his eyes. "And I don't regret that I sided with them over you."

Battle of the Past (Seule Fille Series #1) Where stories live. Discover now