Chapter 23

2.2K 135 40
                                    

Author's Note: Hi! Ngayon lang nakapag ud dapat nung isang araw o kahapon pa 'to kaso naubusan ako ng load. And the Chapter 24 is currently writing!

Happy 11k reads and 1.1k votes! Thank you so much!

FAYE

I'm here in the condo, in the living room and sitting on the sofa.

Ang hirap palang wala kang magawa. So boring.

I looked at my right when I felt someone sit next to me. Si Lucas lang pala.

"Hi po." Bati niya sakin.

Ngumiti ako sa kaniya at inayos ang pagkakaupo niya. "Hello baby."

"Hindi na po ako baby. Big boy na po ako." He pouted.

I laughed because of what he said, "Kahit big boy kana, you're still my baby."

Bumaba ang tingin ko sa hawak niya. Pancakes with syrup? Sa kaniya lahat 'yan? Ang dami.

"Bakit mo binibigay sakin? Sayo 'yan diba?" Takang tanong ko dahil inabot niya sakin ang plato na hawak niya na may lamang pancakes.

"Hindi po akin 'yan. Sayo po. Niluto po ni Ate at Kuya 'yan, para raw po sayo. Saka ate, tumulong po ako! Ako po naglagay ng syrup." Nakangiting saad niya.

I smiled.

Pancake pala ang niluluto nila kanina. Kanina kasi ayaw nila akong papasukin sa kusina, sa hindi ko malamang dahilan.

Kukuha kasi ako ng tubig non pero si Lucas na ang kumuha para hindi na raw ako pumasok sa kusina.

"Thanks for this. I appreciate it so much. Mukha ngang masarap." I said and smiled.

Ngumiti naman siya at pumalakpak.

Ginulo ko ang buhok niya at pinisil ko rin ang pisngi niya. Ang cute.

I looked over to the other sofa and saw there the twins na parehong kumakain ng pancakes.

"Ate, may kapatid po ba kayo?" Inosenteng tanong ni Lucas.

Lumingon ako sa kaniya at tumango. "I have a brother."

Annoying and Crazy brother.

Even though I am always teased and no matter how crazy my brother is, mahal ko pa rin ang kuya kong 'yon.

Mahal ko 'yon kahit ang ambag lang non sa buhay ko ay ang bwisitin ako.

I miss my annoying and crazy brother.

"Nasaan na po ang kapatid niyo? Bakit hindi niyo po kasama dito?" Takang tanong niya.

"Tinakwil ko na," Biro ko. Nakita ko kung paano manlaki ang mga mata niya kaya napahagikgik ako. "Joke lang."

Narinig ko ang mahinang tawa ng kambal.

Ngumuso siya. "Handsome po ba ang kapatid niyo?"

Umiling ako. "Hindi. Pangit siya." Humalakhak ako. Kung naririnig lang ako ng kapatid ko ngayon, maghahabulan na naman kami. At ngayon palang nai-imagine ko na ang itsura niya, nakanguso at mangiyak ngiyak habang masama ang tingin sakin tapos kung ano ano na naman ang sasabihin sakin.

At kapag hindi ko binawi ang sinabi ko na pangit siya, hindi niya ako papansin. Oo, parang bata ang kuya ko.

College na siya pero ang utak naiwan sa kinder.

"E, ako po? Handsome po? Hindi po pangit?" Inosenteng tanong ni Lucas habang nakatingin sa'kin, hinihintay ang sagot ko.

Natawa ako at tumango tango. "Oo, handsome ka."

Battle of the Past (Seule Fille Series #1) Where stories live. Discover now