CHAPTER 01

4.4K 116 2
                                    

DIVINE GRACIA POV

Kagaya nung una ay hindi parin ako sumusukong maging kaibigan si Lonie. Nasa pinakadulong upuan siya ng classroom namin at laging tulog kahit oras ng klase. Gising lang siya kapag exams, recitations and quizzes. Hindi rin gano kalaki ang nagiging scores niya. Sakto lang na nakakapasa. Hindi rin naman siya pinapakialaman ng mga instructors namin dahil sa kumakalat na balita tungkol sa kanya.

Maraming takot kay Lonie. Sa katunayan nga ay sobrang ganda niya. Kung hindi lang takot sa kanya ang lahat, siya din ang kukunin naming muse. Malakas na pambato sana ang ganda niya tuwing Ms. Intrams pero walang naglalakas-loob na inominate siya. Maging ako man din.

Napansin ko rin na kapag tumatapat sa araw ang mga mata niya, kulay dark red ang makikita mo sa lenses niya. Pero kung hindi naiilawan ng sinag ng araw, it’s dark as black.

Kulay itim din lahat ng suot niya. Laging naka-hoody kapag hindi tulog. Pero kapag natutulog siya, tinatanggal niya ang suot na parka at ginagawang unan.

-----

Ilang minuto na lang at bakante na ulit ang oras namin. Lalapitan ko siyang muli.

Balita ko rin ay may exchanged student kami from other country. Darating ngayong araw. The good thing about this school is that, kapag matalino ka, you can choose kung saang section mo gustong mapunta. Sumuko na yata ang nerd na kaklase namin kaya lumipat sa ibang bansa.

Pasalamat talaga siya dahil saktong may palipat din dito sa Pilipinas from the other country. At hula ko ay matalino din.

Sana naman hindi nerd. -.-

----

Nasa last section kami.

Napatingin ang lahat nung bumukas ang pinto ng school namin. Halos malaglag ang panga naming lahat nung makita ang gwapong hitsura at matipunong pangangatawan nito. At ang ganda din ng mga mata niya. Kulay abo. Pero parang galit ito.

“Oh! I guess you’re the exchanged student, right?” Tanong ni Sir Ethan.

“Yes.” Simpleng sagot niya.

“Alright. Introduce yourself.”

“I’m Vladimier Adamson Gray.” Pakilala niya.

Bagay na bagay sa kanya ang apelyido niyang Gray. Sakto sa mata niyang kulay abo.

“Oh! I heard your family name. How are you related to Gray’s Empire? That’s a very popular Kingdom. It’s also written in the book.” Sabi ni Sir. Tumango lang si Adam at hindi na sinagot ang naging tanong nito sa kanya.

Sa klase ng pino-project niyang aura, tindig at titig na ma-awtoridad, baka nga anak siya ng may-ari ng Gray's Empire.

Wow! Ang galante! Gwapo na nga, Macho pa! Tsaka antangkad niya!

Kitang-kita naman sa mga kababaihan ang pagkagusto kay Adam.

“Alright, you may choose your seat.”

“Thanks.” Tanging tugon nito saka naglakad na papunta sa likod.

Anim nalang ang bakanteng upuan. Isang nasa unahan ni Lonie at limang nasa kanang bahagi niya. Siya lang talaga ang nakaupo sa pinakadulo. Since ang kaliwa niya ay bintana na ng room namin.

Takot kasi kami kay Lonie. Pero kahit takot ako, gusto ko parin siyang kaibiganin.

36 kaming lahat, tapos may individual desk and chairs para iwas cheating. May kalahating metro ang distansya naming lahat sa isa't-isa.

IN ANOTHER WORLDWhere stories live. Discover now