CHAPTER 31

1.1K 61 2
                                    

LONIE POV

Tumawag muna ako sa anak ko bago puntahan ang address kung nasaan si Miss Rosalie.

“Hello, honey! Mommy’s going out for a while. I’m going to buy you a delicious food. I’ll be back before it gets dark.” Paalam ko sa anak ko habang katawag siya.

“Loke’s gonna wait for you, Mommy. Please be safe.” Tugon sa’kin ng anak ko.

“Don’t make grandma tired. She also needs some rest.”

“Yes, mommy.” Masiglang sabi niya. Duda ako sa pagsang-ayon niya.

Palagay ko ay magiging pasaway na naman ang anak ko habang wala ako.

“Bye, honey! I love you.” Sabi ko.

“I love you too, Mommy.”

Pinatay ko na ang tawag pagkatapos. Nakapagbilin na din ako ng sasabihin kay Mom Violeta kanina.

On the way na ako papunta sa address na binigay sa’kin ni Divine.

------

Agad akong bumaba pagkarating sa mismong lugar. Masyadong mahigpit ang sistema at mga patakaran nila dito.

Mabuti na lamang at ginamit ko ang pangalan ni Miss Brun kaya ako nakapasok.

Nakita kong magkasama sa iisang selda sila Miss Rosalie at Miss Karlene. Mas mahigpit din ang kulungan nila dahil may salamin at batid ko ay soundproof.

“I want to talk to Miss Rosalie.”

“Sorry Ma’am pero hindi po maaari. Iyon ang kabilin-bilinan ni Ma’am Ivory sa’min.” Paumanhin niya.

“Do you want me to call Miss Virginia?” Pagbabanta ko.

Nagtiim-bagang siya nung marinig ang pangalan ni Miss Virginia.

“Wag mo po sanang gagamitin ang pangalan ni Madame Virginia para lang makuha mo ang gusto mo.” Pagmamatigas niya.

-.-

You left me with no choice.

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ang number ni Grandma.

“Yes, apo?” Bungad niya.

“Meron lang ho sana akong kaunting request.” Sabi ko. Pagkatapos ay pinindot ko ang loudspeaker button.

“Ano iyon, apo? Ngayon mo na ba hihingin yung pabor mo?” Masiglang tanong niya.

Nahalata ko din kay Grandma na sobrang saya niya sa tuwing humihingi ako ng pabor sa kanya. Para bang gustong-gusto niyang sandalan ko siya.

Well, mabait naman siya dahil lahat ng gusto ko noon, binibigay niya. Tinuring niya din akong parang totoong apo niya.

“Hindi pa po. Pero maaari po ba akong magkaroon ng access dito sa City Jail. A two prisoners under the protection and authority of Miss Ivory Scarlet Brun.” Sabi ko.

“Of course, apo. Why? Meron bang nagpipigil sayo diyan? Ibigay mo sa kanya ang phone mo at ako na ang magsasabi.” Seryosong sabi ni Grandma. Napangisi ako. Nakita kong nagbaba ng tingin ang bantay.

“Wala naman po, gusto ko lang itanong kung pwede ba akong magkaroon ng access?.” Palusot ko nalang. Nakita ko namang nakumbinsi ko na ang bantay. “Ingat po pala kayo palagi, grandma. May aasekasuhin lang po ako. Nag-uumpisa na po akong kumilos.” Sabi ko sa kanya.

IN ANOTHER WORLDWhere stories live. Discover now