CHAPTER 08

1.6K 62 5
                                    

Sa halip na dumiretso sa classroom ay hinatid ko siya sa infirmary. Magrereklamo pa sana siya nung samaan ko siya ng tingin at pinagbantaan kong iiwan ko siya sa hallway.

“Anyari sa kanya?” Tanong ng school nurse namin.

“Nahulog. Baliw kasi. Umaakyat sa puno para matulog.” Direktang sabi ko.

“Wala talagang paligoy-ligoy, sis? Hahaha!” Biro ni Ivory.

Pinaupo si Vlad ng nurse sa may higaan doon. Lumabas na din ako dahil wala naman akong ibang gagawin.

May nurse na naman so I guess, babalik na ako sa room. -.-

“Wala kang puso sis. Talagang iiwan mo siya? Hindi mo man lang ba hihintayin ang resulta? Kung okay na ba siya? Kung nasira ba ang itlog niya kasi sayang naman diba?” Nakangising pagpapakonsensiya sa’kin ni Ivory. Pagkatapos ay sumipol-sipol pa sa huli.

>/////<

Tang*na mo talagang multo ka! Kung anu-anong pinagsasasabi mo diyan!? -.-

Anong itlog?

“Hala! Namumula ang maputing mukha mo, Sis! Haha sensitive ka ba sa mga itlog?” Panunukso niya pa lalo.

Napasulyap ako sa kanya at sinamaan siya ng tingin. Hinabol ko siya nung mag-umpisa siyang tumakbo.

Sinusundan ko lang siya habang paikot-ikot kami sa hallway na nasa labas lang ng infirmary.

Nung sigurado na akong makokorner ko na siya sa pader, bigla ko siyang dinakma pero tumagos lang siya sa pader kaya naman nauntog ang noo ko.

P*ta! Ang sakit!

Napahawak ako sa noo ko. Sinapo ko pa ito at feeling ko ay may kaunting bukol sa lakas ng pagkabangga ko sa pader.

Lumabas muli si Ivory mula sa pader.

“Ayy sorry, sis! Nakalimutan ko ring multo na pala ako! Tumatagos lang ako kahit saan! Hehe! Ayan pareho na kayong pasyente! Pasok ka na dun. Ipatingin mo rin yan.”

Hindi ko tuloy alam kung nakalimutan niya nga ba o sinadya para makabalik ako sa loob.

Matalino kang multo ka.. -.-

Tumayo na ako habang hawak parin ang noo ko.

“Sis, ayos ka lang? Nakikilala mo pa ba ako? 1 plus 1? Alam mo ba yung sagot?”

“Magtigil ka na nga!” Iritableng sabi ko. Tumigil naman siya.

“Mukhang ayos ka lang. Mas matibay pa yata ang noo mo kesa sa pader. Hahahaha.”

Sinamaan ko ulit siya ng tingin. Pumasok na ako sa loob habang hawak parin ang noo ko. Saktong patapos na din ang nurse sa ginagawang gentle massage kay Vlad.

Sa tingin ko, cramps lang ang nangyari kay Vlad.

Napatingin ang school nurse sa’kin.

“Anyare sa noo mo, Iha?” Tanong niya.

“Nauntog yung pader sa noo ko.” Sabi ko. Natawa nalang yung nurse dahil sa kawalan ng expression ng mukha ko habang sinasabi ko iyon sa kanya.

“Nauntog ka’mo yung tangang noo sa pader.” Singit na pagtatama ni Ivory.

Hindi ko nalang siya pinansin dahil pinaupo ako ng nurse sa katabing higaan kung saan nakaupo si Vlad. May mga tinanong din siya sa’kin. Maayos ko namang nasasagutan ang mga basic na tanong niya.

IN ANOTHER WORLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon