CHAPTER 34

1.2K 61 2
                                    

"Yes it's me! So? What about it?"

"You're trying to make me and Ivory fight and ruin each other right? I'm sorry Lonie for destroying your plan but I don't love Ivory anymore." Pag-amin niya.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil harap-harapan niyang sinasaktan ngayon si Ivory by saying that he doesn't love her anymore. O magagalit dahil palpak ang naging plano kong pag-awayin silang dalawa.

"Paano mong nalaman na akin ang number na ginamit kong pantext sa code?" Curious na tanong ko. Baka kasi binigay ni Divine sa kanya ang number ko.

"I took it from my son."

Anak?

Ang alam ko lang na batang binigyan ko ng number ko kaninang umaga ay si Ikeem...

Don't tell me----

Anak nila ni Ivory si Ikeem?

"Anak niyo si Ikeem?" Gulat na tanong ko. Tumango siya.

Pero imposible! Apat na taon palang ang nakakalipas simula nung magising si Ivory mula sa pagiging comatose, samantalang mag-aanim na taon na si Ikeem.

Hindi kaya nagkaanak sila noon bago maghiwalay?

Sumabat si Ivory.

"That kid is a failure! He's an attention-seeker! I never considered him as my son! Well, he's not my son! Ampon lang siya! Mas gugustuhin ko pang sabihin na hindi ko siya anak kesa magpanggap na anak ko siya kahit hindi naman talaga! Lalo pa ngayon na naging tulay pala siya para magkita kayong dalawa! Tsaka, anong ibig sabihin nito Vladimier?" Para bang nawawalan na din ng pag-asang tanong ni Ivory matapos magalit kanina patungkol sa ginawa ni Ikeem.

Naalala ko naman yung kwento sa'kin ng batang iyon. He's trying his best to be acknowledged by his Mom.

This witch sure is pissing me off.

Para mas lalo ko pa siyang masaktan in behalf of treating unfairly towards her adopted son ay lumapit ako kay Vlad. I did the same thing nung magising si Ivory mula sa pagiging comatose niya noon.

Niyakap ko siya saka hinalikan sa labi. Nagulat si Vlad sa ginawa ko.

But I'm too bold and even prepared to do this infront of you, Ivory.

"Ano pa bang ginagawa niyo? Hulihin niyo siya!" Sigaw niya. Pero kahit isa, wala na ding sumusunod sa kanya.

Humiwalay na ako sa halik. Wala na akong maramdamang kahit ano sa halik na iyon.

Mas lalong sumilay ang pag-ngisi ko.

"It's over for you, Ivory." Sabi ko.

Nag-type siya sa phone niya. Sa tingin ko ay may tatawagan siya. I did the same.

Tinawagan ko si Grandma para hindi niya ito ma-contact.

Alam kong siya ang tatawagan ni Ivory dahil ngayon, sa tingin ko, nakita na rin ito ng mga awtoridad from other country. Lalo na sa bansa kung nasaan ang Daddy niya.

Goodluck to him...

"Tch! This old granny can't be of use too! May katawag pa! Kaurat!" Biglang sambit niya.

Sakto namang sinagot ni Grandma ang tawag ko. Ni-loudspeaker ko iyon.

"Hello, grandma. How's my gift?" Tanong ko.

"I can't say I'm sad nor happy. But I'm satisfied dahil matitigil na rin ang kasamaan nilang dalawa. Kahit ganun na sila kasama. Mahal na mahal ko parin sila."

IN ANOTHER WORLDWhere stories live. Discover now