CHAPTER 06

1.8K 73 0
                                    

Hindi pa ako nakakalabas ng classroom namin nung bumukas ang pintuan sa unahan at tumambad ang isa pang instructor namin sa ibang subject.

“Nahuli na daw ang pumatay kay Matthew. Nasa station na din at kasalukuyang iniintriga.” Balita ng instructor sa’min.

Hindi ko naman sila kilala lahat lalo’t tulog ako palagi sa klase. Ginigising lang ako ni Ivory kapag may quizzes, exams at recitations o kahit anong mga activities.

--

Pero bakit hindi kasama si Marie?

There’s a possibility na baka pinagtatakpan lang siya ng mga ito. Ngunit ang hindi ko maintindihan kung ano ang motibo niya at bakit ganun na lamang ang pagkadisgusto niya kay Matthew?

Imbes na lumabas ay bumalik nalang ako sa upuan ko. Hindi na ako nangulit. Ang importante, wala sa’kin ang sisi sa nangyaring kamatayan ni Matthew.

“Look oh! Nakatingin sayo si Dadi Vlad. Ayiiieee!” Tukso sa’kin ng multong kaibigan ko.

Hindi ko siya pinansin. Sinuot ko nalang ang itim na parka ko at nakahalumbaba akong napatingin sa labas ng bintana.

I can see ghosts outside from afar. Pero gaya nga ng sabi ko. Nasasanay na din akong makita sila.

Nag-continue sa discussion yung Instructor namin ngayong oras. Kahit naman sanay na akong makita sila, hindi parin ako sanay sa mga creepy voices na naririnig ko. Ansakit pakinggan ang mga iyak nila. Wala naman akong magagawa kundi ang makinig lang o di kaya ay deadmahin sila.

Natulog nalang din ako kalaunan.

Pagkatapos kasi ng oras niya, magsisimula na kaming mag-conduct ng interview sa mga instructors.

------

Lonie! Lonie! Gising! Tapos na ulit ang klase niyo. Looooniiieeeee!” Makulit na sigaw sa’kin ni Ivory.

Naku namang multo ‘to! Ang kulit! -.-

Nagising ako at nakita nga ang tatlo na nasa harapan ko na ngayon. Hindi din nila mapagdesisyunan kung gigisingin ba ako. Narinig ko pang nagtutulakan si Divine at John kung sino ang gigising sa’kin.

“Oh! Nagising siya!” Aniya ni Divine.

“Ang ingay mo daw kasi.” Response ni John sa kanya.

“Anong kailangan niyo?” Kunot-noong tanong ko.

“Mag-uumpisa na tayo. Vacant naman natin ngayon. Kung sino ang nasa Faculty room, yun lang muna yung pagtatanungan natin.” Paliwanag sa’kin ni Divine.

“Okay.” Tipid na sabi ko. Pinasok ko lang ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng parka ko.

Nauna na silang maglakad habang sumunod naman ako sa likod nila. Nasa tabi ko ngayon si Vlad.

Di ko alam kung bakit feeling close siya sa’kin. Ang alam ko lang, hindi ako pwedeng ma-involved sa mga buhay nila.

Kung di lang sana dahil sa mga activities and paper works ay wala akong planong sumama sa kanila.

“You okay?” Tanong sa’kin ni Vlad habang naglalakad kami sa hallway papuntang faculty room.

Sumenyas lang akong maayos ako pero hindi ko siya sinagot into words.

“Ayy! Feeling masarap ka girl? HAHAHA! Aminado akong maganda ka pero ang gwapo naman nyang tinatarayan mo! Mag-isip kang mabuti, sis!” Maarteng sabi ni Ivory. Nasa tabi ko pala siya. Sumasabay din sa’min.

IN ANOTHER WORLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon