CHAPTER 37

1.2K 56 0
                                    

Last day na namin ngayon dito sa resort at matatapos na ang ilang araw na bakasyon namin dito.

“Where do you want to go next, honey?” Tanong ko kay Loke nung mabihisan ko na siya. Susunduin siya ngayon ng Daddy niya.

Pero dahil request ng anak ko na sumama din ako kaya naman pumayag na ako sa gala nilang dalawa ngayong araw.

“Loke wants family park, Mommy.” Sabi niya na nakangiti.

Family park, ha?

Pamilya na ba tayong maituturing anak?

Hindi ko na isinatinig pa iyon dahil ayoko namang masaktan ang anak ko. Lalo pa ngayon na ang akala niya ay buong pamilya na kami.

Magsasalita pa sana ako nung tumunog ang doorbell sa hotel room namin.

“It’s Daddy!” Masiglang bulalas ng anak ko.

Mabilis siyang tumakbo papunta sa may pintuan saka pinagbuksan ang taong nasa harapan namin. Magkasama ngayon si Divine at Mom sa iisang room.

Tuwang-tuwa si Mom Violeta sa nalaman na tunay niyang apo ang anak ko. Bagama’t tinuring niya din si Loke na apo niya, mas lalo siyang natuwa nung lumabas ang katotohanan sa pagkatao ni Loke.

----

Agad nagpakarga ang anak ko nung makita ang Daddy niya sa may harapan ng pintuan. Nakangiti si Vladimier at tuwang-tuwa naman ang anak kong yumakap sa kanya habang naka-karga.

Sinarado muna ni Vlad ang pintuan saka lumapit sa’kin karga ang anak ko.

“Good morning, Lonie.” Bati niya sa’kin. Tumango lang ako.

“Gusto kong dumaan muna tayo sa prisinto bago ang park. Tsaka isama din natin si Ikeem.” Request ko sa kanya. Tumango siya bilang tugon.

Ayokong isipin ni Ikeem na inaagaw ko sa kanya ang Daddy niya. Ayokong magkaroon siya ng inggit kay Loke. Alam ko yung feeling na mag-isa. Alam ko yung feeling na para bang walang nagmamahal sa’kin. Kaya naman, kung papayag lang siya ay gusto ko rin syang ampunin bilang kuya ni Loke.

It’s been 2 days also simula nung naikulong si Ivory. Hindi parin ako bumibisita lalo’t inaasekaso ko muna yung ilan sa mga personal matters ko.

Pinapalitan ko na kaagad ang apelyido ng anak ko. Nung isang araw kasi na tinanong ko siya kung kaninong apelyido ang gusto niya, kahit wala pa siya sa tamang edad to be knowledgeable about using Father’s surname ay pinili niya nga ang apelyidong ‘Gray’.

Hindi ako nagtampo dahil alam ko namang iyon ang tama. Wala na din akong balak ipagkait kay Vlad ang anak namin.

Sa ilang araw na palagi siyang nasa room namin para makipaglaro kay Loke, nakikita ko naman kung gano ka-responsableng ama si Vlad. Yung tuwa sa mga mata niya ang patunay dun kahit hindi niya man sabihin.

Ibang-iba yung mata niya ngayon sa mga matang nakita ko noon nung unang pagkikita namin sa loob ng ilang taon.

Mga matang punong-puno ng pagsisisi, galit at sakit. Pangungulila at kawalan ng gana sa lahat ng bagay. Siguro kung wala si Ikeem sa tabi niya, baka tuluyan na siyang nawalan ng emosyon.

Same goes for me.

Kung wala si Loke sa piling ko at yung mga taong nagtiwala sa’kin kahit pa hindi ko sila lubusang pinagkakatiwalaan. Marahil ay nagpadala na din ako sa galit.

“Let’s go.” Pagyaya niya saka naunang maglakad. Sumunod lang ako sa likod nilang dalawa.

“Daddy, I want to play with brother Ikee.”

IN ANOTHER WORLDWhere stories live. Discover now