CHAPTER 04

1.8K 86 3
                                    

DIVINE GRACIA POV

Pagkatapos naming kumain ay pare-pareho na kaming nag-movie marathon sa kwarto ni Matthew. Siyam kaming lahat na nandito.

Si Adam, Briannah, John, Christian, Matthew, Marie, Geneva, Jasmine at ako.

Pero hindi ko makita si Matthew at Marie. Ang alam ko nag-banyo si Marie, si Matthew naman kumukuha yata ng makakain.

“Banyo muna ako.” Sabi ko. Tumango lang sila habang busy sa pinapanood. Si Geneva at Jasmine naman patuloy paring hinaharot si Adam. Ngunit busy lang din itong manood. Hinahayaan niya lang ang dalawa habang nakapulupot ang mga kamay sa magkabilang braso niya.

Lumabas nalang ako ng kwarto at dumiretso sa banyo nila. Wala din dito ang parents ni Matthew. Bukas pa daw uuwi.

Saktong napadaan ako sa kusina nila nung makarinig ako ng ungol ng babae. Due to my curiosity. Sinundan ko kung saan nanggagaling ang boses.

Then I saw them..

Matthew and Marie are currently having a sexual intercourse. Pareho silang nag-eenjoy habang nagtatalik. Imbes na magpatuloy sa banyo ay bumalik nalang ako sa kwarto ni Matthew. May banyo naman sa loob. Akala ko lang kasi nandun din si Marie kaya sa may isang banyo ako nila nagpasyang pumunta sana.

Pagkabalik ko sa kwarto ni Matthew, dumiretso nalang ako sa banyo niya.

---

Ilang minuto lang din ay bumalik na ako sa panonood.

Sakto namang bumukas na din ang pinto ni Matthew at tumambad sa’min ang dalawa na may dalang isang tray ng snack namin ngayon habang nanonood.

Nasa tamang edad na naman sila para gawin iyon, wala na din akong pakialam kung ano ang gawin nila.

“You okay?” Tanong sa’kin ni John. Tumango lang ako. Hindi na siya nagtanong at nagbigay nalang sa’kin ng snack namin. Tinanggap ko naman iyon.

Wala namang masyadong kahina-hinala sa lugar na ito. Sa tingin ko ay safe naman si Matthew ngayong gabi.

----------

Pagkatapos mag-movie marathon ay nagpasya na din kaming matulog. Si Geneva at Jasmine naman ay parang disappointed ang mga mukha.

Sa tingin ko ay hindi nila naakit si Adam at hindi sila nito pinagbigyan.

Nakita ko si Adam na ngayon ay nakahiga na din.

Hiwalay naman ang mga babae sa lalake.

Nagpasya nalang akong matulog kalaunan lalo’t lahat naman kami nandito ngayon to protect Matthew.

---------

KINABUKASAN...

LONIE POV

Naglalakad ako papasok sa school when I saw my classmate Marie na may kasamang tatlong lalake. Tumigil muna ako saglit.

Umiiyak siya habang yakap ang lalakeng nasa gitna. Galit din ang mukha ng lalake ngayon. Lumapit ako ng kaunti para marinig ko ang pinag-uusapan nila.

I don’t know but I have a bad feeling about this kaya naman nakinig lang muna ako.

“Matthew raped me last night. He forced me.” Rinig kong sumbong ni Marie sa batid kong boyfriend niya habang umiiyak sa mga bisig nito.

Hindi ko masyadong kilala si Matthew. But since naging kaklase ko sila, alam kong madaldal lang siya pero hindi siya yung tipong manggagahasa ng babae lalo’t kaklase lang din namin.

IN ANOTHER WORLDWhere stories live. Discover now