CHAPTER 27

1.1K 65 4
                                    

“Maaari ba tayong mag-usap na tayong dalawa lang, Iha?” Tanong niya bigla sa’kin.

HA?

“Nag-uusap na po tayo, diba?” Tanong ko ngunit ngumiti lang siya.

“Follow me, Lonie.”

“Paano nyo nga pala nalaman ang pangalan ko?” Curious na tanong ko.

“Sasagutin ko lahat ng katanungan mo kung sasama ka sa’kin, Iha.” Sabi niya.

Can I trust her?

Should I?

Pero curious ako kung bakit niya ako kilala. Curious din ako kung bakit siya nandito ngayon.

Coincidence lang ba yung pagkikita namin noon at ngayon?

“Saan tayo pupunta?” Tanong ko.

“Don’t worry. I’m not biting. Sa room ko tayo pupunta. Sa condominium parin na ito.” Sabi niya.

“Kilala niyo ba may-ari nito? Hindi ba’t opening palang ngayon?”

Ngumiti siya saka humarap sa’kin.

“I am the owner.” Sabi niya na siyang nagpaawang sa bibig ko.

“O-okay.” Tanging nasambit ko.

Mayaman nga siya!

“Sasama ka na ba sa’kin?” Tanong niya. Umiling ako. “Why? Still not convinced?” Tanong niya.

Kumbensido ako pero wala parin po akong tiwala sa biglaang pag-aaya niyo sa’kin.” Prangkang sabi ko.

“Haha. You’re really amusing, Iha. Wag kang mag-alala, mag-uusap lang tayo.”

“Where’s your proof na wala kang gagawing masama sa’kin?”

“What if sabihin ko sayong, kilala ko ang witness na hinahanap mo. The witness of Rosette Verzosa’s death. Your childhood bestfriend.”

O___O

Paanong?

“Okay. Let’s talk.” Sambit ko. Ngumiti siya saka nag-umpisang maglakad. Sumunod naman ako. Hindi kami dumaan sa usual na hallway. May iba kaming dinaanan na sa tingin ko ay shortcut sa sinasabi niyang VIP room niya.

Nung makapasok sa isang mataas at malaking pintuan ay namangha ako sa loob nito.

Malawak, sobrang ganda ng mga chandeliers sa iba’t-ibang bahagi ng kisame. Maganda din ang interior design. May Lion’s crest na nakahulma sa pinakagitna ng kisame. Tapos ay may nakasulat na ‘BRUN’

Agad kong naalala si Ivory dahil iyon ang apelyido niya.

“How are you related to Ivory Scarlet Brun?” Panimulang tanong ko.

Ngumiti lang siya saka ako pinaupo sa mamahaling sofa niya. Sinunod ko nalang iyon.

Wala akong ideya kung bakit niya ako pinapunta dito at kung bakit gusto niya akong makausap. Sabihin na nating may alam siya tungkol sa mga bagay na nais kong malaman.

Ang ipinagtataka ko lamang ay kung bakit niya ako kilala, maging ang mga gusto kong malaman ay alam din niya.

May maid munang naghanda ng slice ng cake at tea sa may coffee table. Naupo ang matanda sa harapan lang din ng pwesto ko. Hindi ko ginagalaw ang nakahandang pagkain sa ibabaw ng mesa.

IN ANOTHER WORLDWhere stories live. Discover now