CHAPTER 33

1.2K 65 3
                                    

LONIE POV

“He told me na nagkaroon ng usapan ang mag-ama – sila Ivory at Ian, bago sinabi ni Ivory sa’kin na may gusto siya kay Sir Jude. Nabanggit nila ang pangalan ni Vladimier. Hiwalay na nun sila Vladimier at Ivory. Hiniling ni Ivory sa Daddy niyang si Ian na gusto niya ulit makuha ang dating nobyo. Gumawa siya ng paraan para itago ang mga magulang ni Vlad. Nung una ay hindi pumayag ang Daddy niya sa gusto ng anak na maging biktima din siya lalo’t masyado itong risky at maaari din niyang ikamatay. Pero kalauna’y napapayag din siya ni Ivory. Lalo’t nais niya lang maging masaya ang anak niya. Matagal din bago ko nalaman ang tungkol dito lalo’t mahigpit ang seguridad sa loob ng Brun’s empire kaya matagal din bago ko natanggap ang mensahe.” Paliwanag niya.

Tsk!

“Anong mensahe?”

“After a year, pinatawag ni Ian si Vladimier. Bagamat nakuha na din nila ang lahat ng ari-arian ng Gray’s empire, hinanap parin ni Vlad ang mga magulang niya. Sinabi ni Ian kay Vladimier kung sino ang may hawak ngayon sa mga magulang niya. Nagkaroon sila ng kasunduang hanapin si Ivory kahit bahagi lamang iyon ng mga plano ng mag-ama upang bumalik si Vlad sa piling ni Ivory. Nalaman ko din na yung mga pangalan ng naging biktima ko ay isang mensahe para kay Vladimier. “MOVE QUICKLY”, isa itong pagbabanta ni Ivory para kay Vladimier.” Paliwanag niya.

“Pagbabanta? What do you mean?” Tanong ko.

“Move quickly, or else, mamamatay ang mga magulang mo. Yun ang hula ko.” Sabi ni Karlene. “Hindi ko alam kung totally naintindihan iyon ni Vlad. Pero sa klase ng pagsama niya kay Ivory ngayon, sa tingin ko ay may kaunting kaalaman din siya.” Dagdag na sabi niya.

“Tsk! I never thought na maririnig ko ulit ang mga pangalan nila sa paghahanap ko ng impormasyon at pakikipag-usap ko ngayon kay Miss Rosalie. Anyway, thanks for the info.”

But I still don’t feel the same about Vladimier. Ganun parin hanggang ngayon.

Palagay ko ay wala na talaga akong nararamdaman kay Vladimier. Nasaktan niya parin ako sa hustisyang paraan niya.

At yung sakit na iyon ang pinanghahawakan ko para makaganti sa mga taong nanakit sa’kin noon.

“Kilala mo ba kung sino ang pumatay sa anak ko, Lonie?” Pagsingit ulit ni Miss Rosalie.

“Yung huling nakita namin ni Rosette bago siya mahuli, sila din yung mga taong sinunod mo, Karlene.”

“You mean, sila Ivory at Ian parin?” Gulat na tanong ni Karlene. Tumango naman ako. “Grabe talaga ang mag-amang iyon! Naku! Kahit hindi na nakapagtatakang magagawa nila iyon, nakakagigil parin sila ng Daddy niya! Imbes na siya ang tunay na makulong ngayon at hindi kami... tsk!” Sambit ni Karlene. Halata ang ngitngit niya sa dalawang taong nagmanipula din sa kanya.

Ivory and her Dad is really a manipulator.

“I’m here to say na malapit ko ng makamtan ang hustisya para kay Rosette. Ginawa ko ang imbestigasyon at paghihiganti, para sa sarili ko. Hindi para sa inyo. Ang nais ko lang iparating sa inyo na ayusin niyo din ang mga buhay niyo pagkatapos nito. Lalo ka na Miss Rosalie. Bilang Ina ng matalik na kaibigan ko noon, hayaan mo namang maging tahimik ang kaluluwa ng kaibigan ko by doing good deeds. Wag mong gamitin sa masama ang pangalan niya dahil lang naghahanap ka ng hustisya.” Sabi ko. Nagbaba naman siya ng tingin. Aminadong mali siya.

Tumayo na ako dahil wala na din naman akong kailangan sa kanila.

“For coming here and saying those things. I think you still have a soft side in you.” Sambit bigla ni Miss Rosalie.

IN ANOTHER WORLDWhere stories live. Discover now