CHAPTER 05

1.8K 87 1
                                    

Sabay-sabay kaming umalis mula sa school. Kasama namin ang grupo nila Matthew. Ka-group niya din si Marie.

“Pwede namang dun tayo dumaan?” Rinig kong request ni Marie. Nasa likod lang nila ako. Katabi ko si Vlad na hindi ko alam kung bakit nasa tabi ko.

“No, we will walk through the usual routine.” Vlad coldly said.

He’s a little cold but persistent.

Nakita ko naman ang di maipaliwanag na mukha ni Marie na para bang nainis pero hindi niya kayang ipakita ang pagka-badtrip dahil si Vlad na mismo ang nagsabi.

Takot kaya sila kay Vlad?

Dahil ba mayaman siya?

Whatever... Wala na akong pake dun.

----

Sa bahay nila Matthew ang sleep-over ng grupo nila.

Nung maihatid na namin sila ay binalaan ni Vlad si Matthew na huwag lumabas ng bahay nila kahit anong mangyari. Di ko alam kung sinabi niya ba yung tungkol kay Marie.

--------

Ilang minuto lang din ay nakarating na kami sa mansion nila Vlad. Sobrang ganda at malaki ito.

Nagpasya kasi silang mag-sleep over sa bahay nila Vlad. Pumayag naman ito. Tanging pagtango lang ang ginagawa ko simula pa kanina. Bukas ay mag-uumpisa na kaming mag-interview sa mga Instructors sa buong campus.

Gumagawa kami ngayon ng survey questionnaires bilang paghahanda para bukas. 

Panay ako tingin sa orasan dahil hindi ako nakapagpaalam kay Liam. Wala naman akong balak mag-sleep over. Uuwi din ako kapag natapos na kami. Buti nalang at walang multo sa malaking bahay nila Vlad. Medyo panatag ang loob ko. Ang sarap din ng pakiramdam dito sa mansion nila.

May mga maids and guards sa loob at labas ng mansyon.

“Checking your boyfriend’s message?” Tanong ni Vlad sa’kin. Walang emosyon ang mukha niya saka naupo sa katabing upuan ko.

Nasa kwarto niya kasi kami.

At sa loob ng kwarto niya ay meron ding kwarto na para sa library niya.

“Don’t insult me.” Mataray na sambit ko.

“So you don’t have one.” Pag-assume niya. Hindi ko nalang siya sinagot.

-.-

Ano bang problema niya sa’kin? Bakit nakikipag-close siya? Marami na naman siyang kaibigan. Bakit kailangan niya pa akong idamay dun?

Aminado akong gwapo siya. Usap-usapan na din siya sa school kahit yung mga taga-ibang course department. Sikat na sikat na siya kahit na ilang araw palang siya sa school.

Hindi naman siya irregular kasi same lang yung grades and credited subject nila nung nerd na kaklase namin noon.

Ito ang maganda sa exchanged student from here to overseas and vice versa.

Ilang buwan nalang din ay gagraduate na kami. Mas lalong nagiging hectic ang schedules namin. Minsan nag-oOJT kami sa isang subject namin.

Sa kasamaang palad, sa Gray’s firm ako nag-oOJT. Tuwing Wednesday and Friday. From 3-5.

Wala ding kumakausap sa’kin doon dahil tinatarayan ko ang mga tao dun. Sila na ang lumalayo sa’kin.

Haayyyst... Natapos din.” Sabi ni Divine. “Send ko lang ‘to kay Sir at ipapatingin ko sa kanya. Pagamit ng computer mo, Adam.” Dagdag niya. Tumango lang si Vlad.

IN ANOTHER WORLDWhere stories live. Discover now