CHAPTER 18

1.2K 64 2
                                    

Kasalukuyan kaming kumakain ni Vlad ngayon ng hapunan sa hapagkainan.

Naalala ko naman yung sinabi niyang may sasabihin siya sa’kin. Kesa pareho kaming tahimik ngayon kasama si kamatayan, minabuti kong gumawa ng topic para kahit papano may mapag-usapan.

“Ano nga palang gusto mong sabihin sa’kin?” Tanong ko.

“Tell me what you know.” Sabi niya.

Huh?

“About what?”

“About so many suspicious stuffs that you know.... inside the campus. In exchange, I will tell you my conclusion.” Sabi niya.

Tumango lang ako saka nagsimulang magsalita. 

“Tatlong tao ang pinaghihinalaan ko. Una, yung Dean, pangalawa yung J.O., pangatlo ang school nurse. Isasama ko na si Marie.” Direktang sabi ko. Pagtango lang ang naging tugon niya kaya naman nagpatuloy ulit ako sa pagsasalita. “Sa infirmary, nakita ko ang medical record ni Maricar Corpuz. Batid kong bago lang iyon. Hindi ko alam kung may kinalaman ba ang school nurse sa pagkawala ng ibang estudyante kagaya nga ng sabi ni Dean. Si Marie naman, kung ano ang motibo niya sa pagpatay sa mga estudyante, ay hindi ko pa masyadong alam. Also, kung paano kumilos ang J.O at bakit niya nilagyan ng pampatulog ang iniinom ko. Then, lastly, ipinagtataka ko kung bakit sobrang laki ng electric bill ng buong campus. Para bang palagi itong nakabukas buong araw.” Sabi ko sa kanya.

Hindi muna siya nakaimik. Sumubo muna siya ng pagkain saka uminom ng tubig.

“I see.” Tanging sambit niya.

“Huh?” Tanong ko.

“That’s all related sa mga nalaman ko. And now I get it.” Sabi niya.

“Ano bang mga nalaman mo?” Curious na tanong ko.

“Unahin ko na si Marie.” Sabi niya saka sumeryoso ang mukhang napatitig sa’kin. “One year ago, nawala ang kapatid niya. Her name is Maricar Corpuz.”

WHAAAT?” Gulat na tanong ko. Nanlaki ang mga mata ko sa nalaman.

Kaya pala pamilyar sa’kin ang apelyido niyang Corpuz...

Ito ang napapala kapag palaging tulog sa klase. -.-

“Nagtatrabaho bilang J.O. noon si Maricar. Katulad ng ibang estudyanteng nawawala, kabilang siya sa mga iyon. Ibig sabihin, hindi lang mga estudyante ang pakay ng suspect. Ang ginagawa naman ngayon ni Marie ay paghihiganti sa pagkawala ng ate niya.”

Pero, 1 year ago, nakilala ko naman si Ivory. Hindi kaya isa din siya sa mga estudyanteng nawawala?

“Para sa kapatid niyang nawawala?” Tanong ko.

“Ah! Balak niyang siraan ang school by killing other students. Gusto niyang magsara ng tuluyan ang university at mawalan ito ng reputasyon dahil sa pagkawala ng ate niya. Sinisisi niya ang kapabayaan ng university sa pagkawala ni Maricar Corpuz. Hanggang ngayon ay hindi nya parin ito nahahanap.”

I see.

Pero sa maling tao niya binabaling ang paghihiganti niya. Pumapatay siya for her own satisfaction and benefits.

“How about the J.O?” Tanong ko.

“I must say na may gusto siya sa Dean.”

Huh?

-.-

“Anong ibig mong sabihin? Sa Dean? May gusto siya? Haaaah???”

“I know you can’t hear rumors from outside the classroom lalo’t parati kang tulog sa klase. Due to the youthful face of our Dean despite of his age, he’s still a young looking man. That’s what I heard from them. Karlene’s obsession turned into a case abduction.”

IN ANOTHER WORLDWhere stories live. Discover now