CHAPTER 03

2K 75 0
                                    

LONIE KAORIBELLE POV

“Liam, I’m home. Nasan ka?” Tawag ko sa kapatid ko.

“Welcome home, ate Lonie!” Salubong niya sa’kin sabay yakap.

He’s my sweet little brother..

“Kumain ka na ba?” Tanong ko.

“Hindi pa po. Hehe’ Sabay na ulit tayo.” Sabi niya.

“Naku, hinintay mo talaga ako eh noh?” Nakangiting sabi ko.

“You’re my sister. The greatest Ate.” Malambing na sabi niya.

Masaya ako dahil siya lang ang bukod tanging tumanggap sa pagkatao ko. That’s why he’s my treasure. He’s the only family left that I have. I don’t want to lose him kaya naman kung anong gusto niya ay pinagbibigyan ko. Hindi rin kami madalas lumabas ng bahay dahil ayaw niya. Siguro ay nasanay na din siya sa loob at hinihintay ang pagdating ko.

“Then, magbibihis lang ako saka magluluto ng hapunan natin.” Masiglang sabi ko.

“Gusto ko yung palagi mong nilulutong ulam.” Request niya.

“Di ka parin ba nagsasawa sa adobo? Haha.” Natatawang tanong ko. Nakangiti lang siyang umiling.

Hindi na siya pumapasok sa school. Ayaw niyang marinig ang mga usap-usapan tungkol sa’kin. He’s been bullied kaya siya huminto sa pag-aaral. Lagi lang siyang nasa bahay simula nung nakaranas ng depression ang mga magulang ko.

Kaming dalawa nalang ng kapatid ko ang natitira sa bahay na’to. Katulad nga ng rumors ay namatay ang parents namin dahil sa suicide. Hindi nila kinaya ang depression.

Nahulog ako sa isang bangin noon. The incident happened 3 days after our graduation in elementary. Good thing at ilog ang pinagbagsakan ko. Yun ang kwento sa’kin nila Mom and Dad nung matagpuan nila ako.

Tatlong araw ang nakalipas pagkatapos mangyari ang insidente nung nakaramdam ako ng kakaiba sa katawan ko. Wala sa bahay ang parents ko nung araw na iyon. Kasama din nila si Liam. I was all alone na kahit anong sigaw ko dahil humihingi ako ng tulong ay wala man lang ni isang nakakarinig.

Unang sumakit ang mga mata ko na para bang napapaso ng kung ano. Napapasigaw na ako sa sobrang sakit. Ilang oras bago nawala ang hapdi. Agad akong tumingin sa salamin para malaman kung anong nangyari sa mga mata ko. Binuksan ko ang ilaw kahit umaga pa dahil gusto kong makita ng klaro.

Napaluha ako nung naging dark red ang kulay ng dalawang lenses ko.

Humagulgol ako at napaupo sa loob ng banyo. Ang tanging naging tanong sa utak ko nung mga araw na iyon ay kung anong kababalaghan ang nangyayari sa’kin.

Ilang minuto lang din ay sunod na sumakit naman ang mga tenga ko. Hanggang sa makarinig na ako ng kung anu-ano. Sa labas ng bahay, may naririnig akong umiiyak na bata.

Tumayo ako at tumakbo para tingnan ang batang umiiyak.

I saw the kid crying sa gilid ng gate ng bahay namin. Nasa labas siya. At hindi lang iyon ang nakita ko sa labas.

Mga taong lumulutang sa ere at kung anu-ano pa.

Nanlaki ang mga mata ko.

‘What am I seeing right now? What am I hearing?’

Yun ang mga tanong sa loob ng utak ko.

Mabilis akong tumakbo sa loob ng bahay na nagsisisigaw at takip ang dalawang tenga ko.

IN ANOTHER WORLDWhere stories live. Discover now