CHAPTER 29

1.1K 69 12
                                    

4 YEARS LATER...

LONIE POV

“Mommy, look! Loke found many shells!” Sabi ng anak kong tatlong taong gulang palang. Tuwang-tuwa habang hawak ang mga nakuhang shells mula sa dagat. “This one, starfish!” Turo naman niya sa nakuhang kaisa-isang starfish.

“You’re so smart, baby. You can identify the shells from starfish.” Proud na sabi ko.

He is Luke Vlygil Del Vega. My son. 3 years old.

He’s my real son. Galing siya sa sinapupunan ko. CS ang naging process ng panganganak ko. Bikini cut ang pinili kong hiwa para hindi makita kapag naka-swimsuit ako.

I’m a virgin mom. Hindi ako nag-undergo ng sexual intercourse para mabuntis. I did the artificial insemination. Nagpa-inject lang ako. Siguro ay may ibang lahi ang naging donor ng semen kaya naging gray ang lenses ng mata ng anak ko.

Ayoko mang aminin at maalala but He reminds me of someone I knew in the past.

Ayoko ng commitment. Ang tanging gusto ko lang ay magkaroon ng anak na makakasama ko hanggang sa pagtanda ko. Ang tanging pag-aalayan ko ng pagmamahal at tanging pagkakatiwalaan ko.

Hindi ko akalaing makukuha ko ang kalahating mana ni Madame Virginia. Hindi pa man siya namamatay ay binigay niya na ito sa’kin. Ngunit Del Vega parin ang gamit kong apelyido. Pumayag ako sa kasunduang tatanggapin ko ang mana ngunit papalitan ko ito ng surname ko. Hindi siya nagreklamo sa naging desisyon ko.

Tinuruan din ako ni Madame tungkol sa self-defense. Isa iyon sa mga kailangan ko para maprotektahan ang anak ko. I'm calling her grandma sometimes dahil nakikita kong ikinatutuwa niya iyon.

“Iha, kami na muna ang bahala kay Loke. Magpahinga ka na muna sa loob ng hotel.” Sabi sa’kin ng pinagkakatiwalaan kong Nanny. Si Mom Violeta na may kulay gray ang mata. Yung asawa naman niya yung ginawa kong driver. Si Dad Amancio. Yun ang tawag ko sa kanila. Because they reminds me of my parents. Natuwa naman sila nung tinawag ko silang Mom and Dad.

Para ko narin naman silang ama at ina. Simula nung matagpuan ko sila malapit sa bukana ng kweba kung saan ako madalas nagpapahinga galing sa training ko, nakita ko silang sobrang daming pasa. Nangangayayat din at parang hindi pinapakain. Hinang-hina ang katawan.

Nung tinanong ko sila, ang sabi nila sa’kin noon, nakatakas lang daw sila sa pagmamalupit. At doon sila sa kweba nagtatago.

Wala akong nakitang masamang intensyon sa kanila. Kaya naman kinuha ko sila at prinotektahan under my care.

Tinuturing niyang tunay na apo ang anak ko dahil kamukhang-kamukha daw nito ang anak niya. Nung tinanong ko siya kung nasaan na ito ngayon, ang sagot niya ay nakakulong daw.

Hindi ko alam kung anong kasalanan ng anak niya at kung bakit ito nakakulong. Pero hindi na ako nagtanong pa. Alam ko namang mahal na mahal niya ang anak niya.

“Anak, wag masyadong pasaway kela Grandma and Grandpa ha?” Tugon ko sa anak kong si Luke. Loke ang palayaw niya.

“Yes, Mommy.” Sagot niya. Ngunit ang tingin niya ay nasa shells.

“Sige na Iha, magpahinga ka na muna sa hotel.” Sabi ni Mom. Pagtango lang ang naging sagot ko.

Nagsuot muna ako ng cardigan saka naglakad papasok ng hotel.

I’ll start to make a move.

========

DIVINE POV

IN ANOTHER WORLDWhere stories live. Discover now